isulat kung ang pangungusap ay simile o metapora 1.Siya ay sumasayaw katulad ng mga dahon 2.Ang kanyang puso at kasintigas ng bato 3.Singlambot ng bulak ang kanyang kutis 4.Ang mga bata ay isang maamong tupa 5.Siya ang isang anghel sa kalupaan 6.Sina Yessa at Yetts ay parang pinabiyak na bunga palagi ko silang nakikitang magkasama 7.Tulad ng isang suso kung siya ay kumikilos Halos makatulog ako sa paghihintay sa kanya 8.Mahusay lumangoy si French .Lumalangoy siya gaya ng isda. 9.Parang ibon kung siya ay kumilos Halos hindi niya ginagalaw ang kanyang pagkain 10.ang naging biyahe namin ay masamang panaginip Takot ang aming nararamdaman sa tuwing gumagalaw ang aming eroplanong sinasakyan.
mtb po nung subject not filipino
Answers & Comments
Answer:
1. simile
2. metapora
3. simile
4. metapora
5. metapora
6. simile
7. simile
8. simile
9. simile
10. metapora
Explanation:
simile- gumagamit ng salitang: gaya ng, tulad ng at iba pang salitang ginagamit panghambing
halimbawa: Ang mundo ay parang entablado.
metapora- hindi gumagamit ng salitang panghambing. Ito ay deretsong ipinahayag ( Direct comparison ).
halimbawa: Ang mundo'y entablado.
# sana makatulong po