Questions


September 2022 1 1 Report
Isulat ang P kung ang pangungusap ay nagbibigay ng patunay Isulat DP kung hindi ito nagpapatunay.
__1.Ang mahigit anim na libong bilang ng mga nasawi dahil sa bagyong Yolanda ang magpapatunay sa lakas at bagsik ng bagyong humambalos sa maraming lalawigan sa kabisayaan noong 2013.
__2.Umaasa silang huwag na sanang magkaroon ng ganoon kalakas na bagyo sa bansa.
__3.Ang unti-unting pagtatayo ng mga nasirang gusali at mga tirahan at pagsisimulang muli ng komersiyo sa mga lugar na ito Ang nagpapatunay na bumabangon Ang mga taga-Visayas.
__4.Ang tulong mula sa iba't ibang bansa na umaabot sa mahigit 14 bilyong piso na nagpapakita sa likas na kabutihang-loob ng tao anuman ang kulay ng balat at lahi nito.
__5.Huwag na asana tayong salantain uli ng malakas na bagyo.
__6.Pinatutunayan ng mga dokumentaryong ebidensya na ang Pilipinas ay bansang pinakalantad sa mga bagyo dahil sa kinalalagyan nito sa mahigit pitong libong islang lantad sa hangin at ulang dala ng mga bagyo.
__7.Katunayan,sa bawat taon ay may 8 hanggang 9 na bagyo ang pumapasok sa ating PAR o Philippine Area of Responsibility.
__8.Malungkot Makita ang ilan nating kababayang nawawalan ng mga mahal s a buhay at ari-arian.
__9.Pinatutunayan ng datos mula sa National Economic and Development Authority na kakailanganin natin ng 361 bilyong piso para sa muling pagbangon ng mga lugar na labis na ang mga nasalanta.
__10.Kaya naman,magkaisa at magtulungan tayong lahat para sa ikabubuti ng lahat ng mga Pilipino lalo na ang mga nasalanta.
__11.Pinatutunayan ng Channel 8 sa araw na ito na kada araw ay mayroong 313 ang namamatay bunsod ng COVID 19 sa buong bansa natin.
__12.Tulung-tulong na ambag ang mga mayroong pusong namamayan para sa mga nabiktima ng COVID 19 lalo na sa mga pamilyag pumanaw ang kanilang mga mahal sa.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.