Ang aspetong espiritwal ay ang pagpapahalaga sa kaugnayan sa Diyos bilang ang Maylalang, pagpapatibay ng pananampalataya at pagiging tapat sa mga kaayusan at mga simulain na nakasulat sa Bibliya. Halimbawa: Ang katapatan ng tao sa Diyos ang uudyok sa kanya na sundin ang mga utos at simulain nito kahit pa manganib ang kanyang buhay.
Ang aspetong emosyonal ay patungkol naman sa damdamin ng isang tao sa isang bagay o pangyayari. Halimbawa: Emosyonal na humarap ang mga mag-anak ng mabalitaan nilang namatay na ang kanilang dakilang ninuno.
Ang aspetong pisikal at mental ay tungkol sa lakas, kasanayan at kakayahan ng isang tao ayon sa kanyang pisikal na lakas, talino at angking galing.
Ang aspetong sosyal ay ang pakikihalubilo ng isang tao sa iba. Kasama rito ang pakikipagkapwa at pakikipagkaibigan. Sa tuwing nakikihalubilo, nakikisalamuha at nakikisimpatiya, ito ay tumutukoy sa aspetong sosyal ng pamumuhay.
Answers & Comments
Answer:
Explanation: