Isang Umaga ng Digma
ni Pin Yathay
Salin ni Elynia S. Mabanglo
Noong Abril 1975, naghunos ang Cambodia na nakamulatan ko. Biglang bumaba ang rebolusyon ng Khmer Rouge, at sinikap nitong durugin ang aming bansa, ang aming kultura. Lahat ay mithi nitong paslangin-ang madla, ang aming karunungan, pananampalataya, damdamin, maging pagmamahal. Nagtagumpay rin ito at ang Cambodia ay naging isang tanghalan ng ideolohiyang totalitarian. Kayraming nasira, at lumaganap ang takot. Nawala ang kabihasnan, salapi, edukasyon, at sining. Naging isang concentration camp ang bansa Sa loob ng dalawang taon, 17 kasapi ng aking pamilya at di iilang kaibigan ang namatay. Ang kuwentong ito ay gunita ng aking pagmamahal sa kanila. Sa aklat na ito ko binubuhay ang kanilang gunita. Sa aklat ding ito ko isiniwalat ang aming mga dusa at pagkakasiil sa kamay ng brutalidad. Nangyari nang lahat ang mga ito sa kasawiampalad. Sino nga ba ang may sabi na ibinubunyag na ng kasaysayan ang hinaharap? Kung hindi na mauulit ang lahat, hindi mapupunta sa wala ang kamatayan ng milyon kong kababayan. Nagising ako isang umaga sa ingay ng digma, sa sipol at sabog ng mga bibinga ng bomba. Mag-aalasingko na sa aking relo, at kilala ko ang mga ingay na naririnig ko: ilang papadaang kotse at karwaheng hila-hila ng kalabaw, ilang impit na sigaw. Nagtitipon na ang madla sa buong bayan sa araw na iyon ng Abril 17, 1975. Tapos na ang digmaang sibil at malapit nang manakop ng Khmer Rouge. "Gising ka na ba mahal ko," wika ni Any, ang aking asawa. Nakamalas pala siya sa akin, habang pinakikiramdaman ang aking reaksiyon sa mga bagay-bagay.
Gawain 3: Pag-unawa sa Binasa
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Ilarawan ang naging buhay ng mga tauhan sa kanilang sariling bayan.
2. Anong sakit sa lipunan ang nakapaloob sa nobela?
3. Anong ginawa ng pamahalaan upang maibsan ang mga sakit ng lipunang
nakasaad sa nobela?
4. Bakit may digmaang nangyayari sa iba't ibang panig ng mundo?
5. Ano-ano ang mga nakikita mong dahilan ng pagsiklab ng digmaan?
paki sagutan po salamat?
wag mopong sagutan kung di mo alam salamat!
Answers & Comments
Answer:
1.Umaahon at nagsisipag,matatag at hindi tumitigil sa panalangin nagsisikap para sa kanilang mga mahal sa buhay
2.Korapsyon,pagbubulagbulagan ng lipunan,kawalan ng hustisya.
3.
4.Dahil may mga taong gusto manakop ang mga parte ng kanilang mga bansa kaya nakikipag sapalaran sila para maipaglaban ito laban sa kanila.
5.Hidwaan,labanan,madugong,kaguluhan,away-away.
Explanation:
hope it helps pa brainlist nlng,thank u