Questions


March 2023 1 1 Report
ISANG PANAGINIP Marah-Vida S. Codon Naninirahan sa isang maliit na kuwarto si Rosalie. Nagtatrabaho siya sa palengke bilang isang tindera. Sa sobrang pagod, sa maghapong trabaho, nakatulog siya sa sopa. Biglang bumuhos ang malakas na ulan nagdulot ng pagbaha. Marahil dahil ito sa madalas na pagpuputol ng mga puno sa kabundukan at sa mga basurang nakabara sa mga kanal. Kasama sa mga nalubog sa baha ang ang bahay na tinitirhan ni Rosalie. Napakaraming basurang nakalutang sa tubig-baha. Kitang-kita ni Rosalie ang pagpasok ng mga ito sa kanyang tinitirhan kaya napasigaw siya ng “Saklolo, tulungan ninyo ako!” Pagkasambit nito ay bigla siyang nagising. Nagpasalamat dahil isang panaginip lang pala ang lahat. Napagtanto niya ang mensaheng hatid ng kanyang panaginip. Hindi na niya hihintaying mangyari ito, magiging responsable na siya. Hihikayatin na rin niya ang mga kasamahan na pagmalasakitan ang kapaligiran.
1. Tungkol saan ang maikling kuwento?
2. Ano ang napanaginipan ni Rosalie?
3.Ano ang napagtanto ng pangunahing tauhan sa mensahe ng kanyang panaginip?
Paano mo naipakikita ang pagiging responsableng tagapangalaga ng kapaligiran?
4. Paano mo naipakikita ang pagiging responsableng tagapangalaga ng kapaligiran?
5. Paano mo mahihikayat ang iba na magkaroon din ng pagmamalasakit sa

kapaligiran?

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.