Questions


September 2022 1 0 Report
Isang mayamang ama ang may dalawang anak. Ang bunsong anak ay
nagsabi sa ama ng ganito, "Ama, ibigay mo na sa akin ang aking manal"
Hinati ng ama ang kaniyang kabuhayan at ibinigay ang kalahati sa bunsong
anak. Wala siyang magawa sa anak na matigas ang loob.
Nang makuha ng bunso ang kaniyang mana, naglayas siya at nagpunta sa
malayong lugar. Doon ay ginastos niya nang walang habas sa rangya at luho
ang kaniyang mana. Nang maubos ang kaniyang minana, nagkaroon ng taghi-
rap sa pinuntahang lugar. Ang bunsong anak ay namasukan bilang tagapakain
ng mga baboy. Naranasan niya ang lahat ng hirap. Kung minsan ang tirang
pagkain ng baboy ang kinakain niya. Para siyang pulubi. Gusgusin ang damit at
walang sapin sa paa.
Naalala niya na sa bahay ng kaniyang ama masasarap ang kinakain ng mga
alipin. Nagpasiya siya na bumalik sa kaniyang ama. Humingi siya ng tawad.
"Ako'y di na karapat-dapat bilang iyong anak. Ama, gawin mo na lang po ako
bilang isa sa iyong mga alipin Subalit inutusan ng ama ang kaniyang mga tagapamahala. “Kumuha ng
magandang damit at bihisan ang aking anak. Lagyan ng singsing ang kaniyang
daliri. Suotan
ng sandalyas ang kaniyang mga
pinakamalusog na batang baka. Ipagdiwang natin ang pagdating ng aking
paa. Katayin ang
anak!"
Nang dumating ang panganay na anak mula sa bukid nagtaka siya sa
ginagawang paghahanda. Ang sabi niya sa kaniyang ama, "Ako Ama ay hindi
sumuway sa mga utos mo. Sa lahat ng pagkakataon pinagsilbihan kita.
Kapag nagdiriwang ako mga kaibigan ko, kambing lamang ang
ipinakakatay mo. Ngayon na dumating ang anak na naging suwail sa iyo,
nagwaldas ng iyong mga ipinamana ipinaghanda mo pa siya nang marangya."
Nagpaliwanag ang ama, “Ipinagdiriwang natin ang pagdating ng iyong
kapatid dahil narnatay na siya at muli pang nabuhay! Nawala na siya ngunit
ngayo'y muling nagbalik! Nararapat lamang na tayo ay magsaya at
magdiwang!"

ilarawan ang mga tauhan sa batay sa kanilang mga damdamin.

1). TAUHAN



PAGLALARAWAN


2 TAUHAN


PAGLALARAWAN​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.