Isang Matandang Kuba sa Gabi ng Cañao
1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento? Ilarawan ang kaniyang katangian
2. Paano nila pinaghahandaan ang nasabing pagdiriwang?
3. Ano ang gantimpala ni Bathala sa kanilang isinagawang pagdiriwang?
4. Kung ikaw ay isa sa kanilang mga kasama, ano ang gagawin mo upang maiwasan ang nangyari sa
gantimpala na kanila sanang matatanggap?
5. Ano ang aral ang hatid ng maikling kuwento sa iyong buhay?
Answers & Comments
Answer:
1. Mga tauhan:
Matandang Kuba- isang matandang kuba na papilay-pilay ang paglalakad.Ang nagbigay ng gintong puno.
Lufu-o- ang pinuno ng mga Igorot.
Sabsafung- anak na dalaga ni Lufu-o.
Napat-a- ang asawa ni Lufu-o at ang ina ni sabsafung.
Mga kabataang Igorot- ang mga humahabol sa baboy.
Ang apat na matitipunong Igorot- ang siyang lumapit sa kawa.
2. Cañao ito ang pagsasagawa ng isang parangal sa pagsilang ng isang sanggol, kasalan, pagtatanim at pag aani, paghingi ng ulan, pagpapatigil sa bagyo at pagpapagaling sa may sakit o karamdaman. Isa din dito ay ang paghingi ng biyaya at paghingi ng patnubay,
Ang Cañao ay pinagdiriwang ng pamilya ni Lifu-a sa pamamagitan ng pagsasagawa ng isang ritwal na kanyang pinamumunuan sa kanilang tahanan. Sila ay nag-alay ng baboy at umawit ng gabing iyon.
3. Ang kanilang naging gantimpala sa kanilang pagdadaos ng Cañao ay isang punong ginto. Ngunit ang punong ginto ay nawala din agad sapagkat umiiral sa kanila ang kasakiman. Sila ay nagsakitan makakuha lamang ng ginto. Nakalimutan nila ang habilin ng matandang kuba na bawal sirain ang puno, tanging ang bunga lamang ang kanilang maaring makuha.
4. Sa aking palagay kung ako si Lufu-a o isa sa kanyang mga kasama ang gagawin ko bilang pinuno ng tribu ay pigilan ang aking mga kasama sa pagsira ng biyayang natanggap. Sila ay kakausapin ko upang maging mahinahon sa pagkuha ng biyayang natanggap ng sa gayon hindi bawiin ng Bathala ang biyayang aming natanggap.
5. Ang mga aral sa maikling kwento ay lubhang nakapaghahatid ng magagandang aral sa buhay. Ito ay nakatutulong upang buksan ang puso't isipan para sa ikahuhubog ng magagandang pag-uugali. Nakapagpapatibay rin ito upang gumawa ng mga tamang desisyon sa buhay. Sapagkat sa kuwento ay may mga pangyayari na hindi pa natin nararanasan sa buhay na maaari nating gawing gabay sa pagdating ng araw.
Explanation:
Sana makatulong, pa brainliest po!