Isang Handaan sa Hapunan Isang biglaan ngunit engrandeng pagtitipon ang isiniwalat ng galanteng si Don Santiago de los Santos o kilala rin bilang si Kapitan Tiyago. Simbilis ng kidlat nang kumalat ito sa buong Intramuros, Binondo at sa iba’t ibang lugar sa Maynila. Ang lahat ay di magkandamayaw sa paghahanda para sa kanilang pagdalo sa nasabing pagtitipon. Nalalaman kasi ng lahat na dadalo rito ang iba’t ibang prominenteng tao kaya’t maging silang pangkaraniwang Indiyo na naghahangad mapabilang sa ganoong klaseng pagtitipon ay hindi magkandatuto upang makatikim ng masasarap na mga pagkain. Isa sa mga naging panauhin ang Dominikong Prayle na si Padre Damaso na noon ay nagpupuyos sa galit habang isinisiwalat niya ang di pagsang-ayon sa kanyang pagkakalipat sa ibang lugar matapos niyang pamunuan ang bayan ng San Diego sa loob ng dalawampung taon. Ipinaabot niya ang kanyang matinding pagkadisgusto sa isa sa mga naroroon na kanyang nakaharap, ang Kapitan, upang maipaabot ng huli sa Kapitan Heneral. Dahil dito, naibulalas nang hindi inaasahan ang tungkol sa pagpapahukay sa bangkay ng erehe (ayon kay Padre Damaso) na ayon sa Kapitan ay malaking kabulaanan dahil mabuti, matapat, matulungin at mapagmahal sa bayan ang taong ito bagamat di nangungumpisal sa prayle gaya niya. Nagpupuyos sa galit ang Dominikong pari na nakakuyom pa ang mga kamao habang nagsasalita na naging dahilan ng pag-agaw ng atensyon ng lahat sa kaniya. Natigil lamang ito nang mamagitan si Padre Sibyla, isang pormal at makisig na Paring Dominiko na nakabase sa Binondo. Nasa ganoong sitwasyon ang lahat nang biglang dumating ang mag-asawang kinilalang sina Doktor de Espadaña at Doña Victorina. Malugod na ipinakilala ng Kapitan Tiago sa mga panauhin si Crisostomo Ibarra na kadarating lamang mula sa Europa. Mahahalatang natakot si Padre Damaso nang makita niya ang binata samantalang ang Tenyente naman at iba pang mga panauhin ay lubos na humanga sa kanya nang marinig nilang siya ang nag-iisang anak ng nasirang Don Rafael Ibarra na namalagi sa Europa upang magpakadalubhasa. Nahiyang makipagkilala sa kanya ang mga panauhin lalo na ang mga dalagang Pilipina kaya siya na ang gumawa ng paraan para makipagkilala. Dumulog ang mga panauhin sa hapag-kainan para pagsaluhan ang inihandang hapunan. Lalong humanga ang mga bisita nang mabatid nilang halos nalibot na ng binata ang buong Europa at gayundin sa kakayahan niyang makapagsalita ng iba’t ibang wika. Kapansin-pansin ang pagkayamot ni Padre Damaso habang kumakain ng hapunan hanggang sa humantong sa pang-iinsulto niya sa binata. Sa halip na gumanti at magalit ang binata kay Padre Damaso ay maayos niya pa ring tinugon ang pangungutya ng matandang pari at pagkatapos ay magalang siyang nagpaalam sa mga naroroon.





Bigyang-pansin ang mga mahahalagang pangyayari o impormasyon kung may masasaliksik


pano po ibubuod ung 1-3 nakababnata;(
irereport daw po pa help po plss need po ngayun

Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.