Isang gabi, nakita niya ang nanay na nakahiga at
nilalagnat. "Totoy, ikuha mo nga ako ng tubig". Agad na tumakbo sa kusina
si Totoy para kumuha ng tubig, ngunit
walang tubig na lumabas sa gripo. Wala ring tubig sa pitsel
Nakita ni Totoy na nahihirapan ang kaniyang nanay. Gulong-
gulo ang isipan ni Totoy kung saan siya kukuha ng tubig; wala pa naman ang
tatay sa bahay dahil naghahanapbuhay
ito sa ibang lugar. Nanghihina si Totoy at umiyak nang umiyak sa isang tabi.
Nagising si Totoy na basang-basa ng luha ang
kaniyang mukha. "Hay! Salamat at panaginip lang pala". Ang nasambit ni
Totoy sa sarili. Simula noon hindi na siya nagaaksaya ng tubig.
1.ano ang napansin ng nanay sa kwentong binasa?
2.bakit labis na nabahala ang nanay sa kwento?
3.sa Iyong palagay,ano ang ugali ng batang si totoy
4.ano ang tema o paksa ng teksto ng binasa
Answers & Comments
Answer:
1. Napansin ng nanay sa kwento na sya ay nilalagnat.
2. Labis na nabahala ang nanay sa kwento dahil ito'y simpleng lagnat lang.
3. Sa aking palagay, ang ugali ng batang si totoy ay maalahanin, dahil labis siyang nag'alala sa kanyang nanay ng walang makuhang tubig sa kanilang bahay.
4. Ang tema o paksa ng tekstong binasa ay huwag magsayang ng tubig dahil may mga taong nangangailangan ng tubig pero sinasayang mo lang.
#CARRY ON LEARNING
#PA BRAINLEST PO THANKS.