Questions


October 2022 2 3 Report
Isang aso ang nakahukay ng buto sa lupa. Tuwang-tuwa siya at dali-daling hinawakan ang buto sa pamamagitan ng kaniyang bibig. Dinala niya ang buto upang iuwi sa kaniyang tirahan, ngunit nang siya ay malapit na, napadaan siya sa isang ilog. Pinagmasdan niya ang ilog at doo'y nakita niya ang sariling anino. Sa pag-aakalang ibang aso iyon na may hawak-hawak ding buto sa bibig, tinahulan niya iyon nang tinahulan upang maangkin din ang butong pag-aari nito. Dahil dito, humulagpos mula sa kanyang bibig ang butong hawak-hawak at nahulog sa ilog. Tinangay ng agos ang buto at hindi na uli nakuha pa ng sakim .

1. Ano ang nahukay ng aso sa lupa? *

This is a required question
2. Bakit tumahol nang tumahol ang aso sa ilog? *

This is a required question
3. Naiuwi ba niya ang butong kanyang nakuha sa lupa? Bakit? *
4. Ano ang katangian ng aso? *
5. Sa iyong palagay tama ba ang ginawa ng aso? Pangatwiranan. *​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.