Isang araw, sa isang kagubatab ang malapit sa malawak na taniman ng palay, ipinatawag ni Kardong Kalabaw Ang Suliranin ni Kardong kalabaw ang kanyang kaibigang hayop para sa isang pagpupulong. Gusto niyang hingin ang tulong ng mga ito. Magandang araw sa inyong lahay, mga kaibigan. Salamat at pinaunlakan ninyo ang aking paanyaya," ang bati ni Kardong Kalabaw. Ano ba ang ating pag-uusapan? Bakit mo kami ipinatawag?" tanong ni Lira Lawin. "Marahil at tungkol ito sa suliranin ng kanyang amo, ani ni Mara Matsing. " Hindi ba't nababahala sila sa pagdami ng mga daga at kulisap na kumakain ng kanilang tanim na palay? Dagdag pa niya. Tama ang inyong tinuran, Mara Matsing. Iyon nga ang gusto kong ihingi ng tulong sa inyo. Halos walang natitira kapag umatake ang mga daga at kulisap sa taniman ng aking mga amo. Doon pa naman nila kinukuha ang kanilang ikinabubuhay. Nakakaaawa sila. Maaari ninyo ba akong matulungan sa paglutas ng problemang ito? Ang nagmamakaawang sabi ni Kardong Kalabaw. Nagkatinginan ang mga hayop habang nag-iisip. Maya-maya pa'y sabay sabay silang napatingin kay Kinay Kuwago na noo'y natutulog. Tila naramdaman niya ang mga matang nakatitig sa kanya, naalimpungatan ito, B-b-bakit ganyan kayo makatingin? May nagawa ba akong mali? Ang naguguluhang tanong nito. * Hindi mali.. kundi ang hindi mo ginagawa," ang sagot ni Mara Matsing. Diba't katungkulan mo ang manghuli at kumain ng mga daga upang hindi sila dumami at makapaminsala? "Aaa...pasensiya na. Napakabilis magparami ng mga daga at kaunti na lang an gaming bilang kaya't hindi na naming kayang kontrolin ang dami ng mga ito," nahihiyang paliwanag ni Kinay kuwago." E, teka muna. Bakit di ninyo rin tanungin si Simang Sawa? Trabaho rin niya ang panghuhuli at pagkain ng mga daga, Dumako ang tingin ng mga hayop sa paparating pa lanag na si Simang Sawa.“ Narinig ko ang sinabi ni Kinay kuwago. Katulad nila ay hindi na rin sapat ang dami naming upang mapigilan ang pagdami ng mga daga." Hindi rin mapakali si Lira Lawin kaya't nagwikang Humihingi rin ako ng paumanhin. Kaming mga lawin ay wala ring magawa Maliit na rin an gaming bilang at malayo rin sa mga kabahayan an gaming tirahan. Natigilan at napaisip si Kardong Kalabaw. Bakit nga ba lumiliit ang populasyon ng mga ibon at ahas na tagakain ng mga daga, habang ang mga ito naman ay patuloy sa mabilis na pagpaparami? Hindi naman ganito noon. Ano nga ba ang nagyari? Tahimik na nag-isip ang lahat nang bigla na lamang may batong muntik nang tumama sa ulo ni Kinay kuwago. Sa pagkagulat ay mabilis na lumipad palayo si Kinay kuwago at Lara Lawin habang sina Simang Sawa at Mara Matsing ay mabilis na nagtago sa makakapal na dahon ng mga puno. Sa isang islap ay nawala sa paningin ni Kardong Kalabaw ang mga hayop na dumalo sa pagpupulong. * Sayang! Hindi mo tinamaan. Nakalipad tuloy," ang narinig na tinig ni Kardong Kalabaw mula sa mga batang may mga hawak na tirador." Halikayo baka marami pang ibon o hayop na dumalo sa pagpupulong "Sayang! Hindi mo tinamaan. Nakalipad tuloy," ang narinig na tinig ni Kardong kalabaw mula sa mga batang may mga hawak na tirador." Halikayo, baka marami pang ibang ibon o hayop ang mahuli natin sa dako pa roon." Nang tuluyan nang makalayo ang mga bata ay saka pa lamang naglabasan ang mga hayop na takot na takot. Marahil ngayon ay alam mo na ang dahilan kung bakit ang polusyon naming mga tagakain ng daga at kulisap ay lumiliuit na." ang sabi ng mga hayop kay kardong kalabaw. Hindi lamang ang mga ibon ang nakaranas ng kalupitan ng mga tao," ang hinaing ni Simang Sawa." Kaming mga ahas din ay pinapatay nila sa tuwing kanilang makikita. Bukod sa pagbaril o pagtirador sa amin, sinisira din nila an gaming tirahan. Kinakalbo nila ang kagubatan," dagdag ni Mara Matsing. O kaya naman ay nagsasabog sila ng mga kemikal na nakalalason din sa amin," dagdag ng iba pang mga hayop sa pulong." Marami sa ating mga kasamahan ang mga nangangamatay dahilsa kagagawan ng mga tao kaya paano naming sila tutulungan kung sila mismo ang sumisira sa balance ng kalinisan?" Walang nagawa at nasabi si Kardong kalabaw nag isa-isang nagpaalam na sa kanya ang mga kaibigan. Napgtanto niyang totoo ang tinuran ng kanyang mga kaibigan. Paano ko kaya maipapabatid ang lahat ng ito sa mga taong gusting kong tulungan? Malungkot siyang naglakad pabalik sa tirahan ng kanyang amo.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.