Questions


October 2022 1 2 Report
 'Isang araw sa buhay ni shane'

“O mga anak alam ninyong bawal ang lumabas dahil bata pa kayo. Si kuya ninyo ay huwag ninyong gagayahin dahil pumapasok siya sa trabaho kaya hindi siya bawal na lumabas. Maliwanag ba sa inyong dalawa?” wika ni nanay. “Opo ‘nay, pero pwede po kami bumaba ng bahay at makipaglaro sa ating kapitbahay?” tanong ni Shane. “Sigi, pero huwag kayong lalabas ng kalsada at mahuhuli kayo ng taga-Barangay” dagdag paliwanag ng kanilang ina.   Makalipas ang ilang oras habang abala ang nanay sa pagluluto at paglilinis. “Tao po! Tao po! Magandang umaga po. Andyan po ba si aling Susie?” wika ng mama habang kumakatok sa pintuan. “Ako po yon, bakit po?” “Maaari po ba kayong maanyayahan sa ating Barangay upang mapag-usapan ang konteng bagay?” “Bakit po, tungkol po saan?” nagtatakang sagot ni nanay. “Mangyari po na ang anak ninyong si Rico ay nakita kanina sa kalsada na naglalaro kaya po siya dinala sa ating Barangay.”Biglang napabalikwas si Shane sa kinauupuan at gulat na gulat sa ibinalita ng mama. “Hala! Si kuya! Nahuli ng Barangay. Kaya pala nawala bigla. Kalaro palang namin siya inay!. Huwag po ninyong ikukulong si kuya, mama!” ang gulat na sagot ni Shane. “Kaya ikaw iha, huwag kang maglalaro sa kalsada, bawal baka mahawa kayo ng covid. Madaling mahawaan ang mga bata at matatanda, manatili lang kayo sa loob ng inyong tahanan para ligtas kayong lahat. Kapag tayo naging normal na maari na kayong maglaro ng inyong mga kaibigan.” Paliwanag ng mama habang hinihintay si Aling Susie.       “Bakit kaya ang tagal ni nanay at ni kuya? Baka ikinulong na nila si kuya. Hala! Hindi naman po yata tama yon diba lola? Ang sama naman nila kung ikulong nila si kuya dahil lang nahuling naglalaro sa kalsada. Gusto ko sana sumama kay nanay kanina, pero sabi ng mama bawal daw kasi bata pa ako.” Ang patuloy na pagsasalita ni Shane habang nang biglang dumating ang nanay at kuya niya.       “Nay! nay! Ano po ang ginawa nila kay kuya? Pinarusahan po ba nila si kuya? “Hindi naman anak, ipinaalala lang ang mga bagay na hindi dapat gawin ngayong may pandemic. Katulad ng sinabi ko sa inyo na bawal kayong lumabas. Kaya simula ngayon, mananatili lang kayo dito sa loob ng bahay. Magbasa kayo ng inyong mga aklat o kaya magsulat at magguhit. Para sa ating kaligtasan at kapakanan ang iniisip ng namumuno sa Barangay. “Sigi po inay, pasensya na po kung sinuway ko kayo. Promis po hindi na po ako lalabas.” “Mabuti nalang po mabait din pala yong mamang kumuha kay kuya.” Wika ni Shane.


1. Sino ang magkapatid na tinutukoy sa kwento?
2. Anong mga paalala ang ihinabilin ng kanilang nanay?
3. Bakit ipinababawal ang lumabas sa kalsada lalo sa isang batang katulad mo?
4. Ano ang ikinagulat ni Shane ng araw na iyo?
5. Ano ang kanyang nasaksihan?
Bakit nahuli ng Barangay ang kanyang kuya?
6. Ano ang ipinangangamba ni Shane para sa kanyang kuya?
7. Paano ipinakita ng nanay ang pagiging mahinahon sa pagharap sa isang suliranin?
8. Kung ikaw si Shane, ano ang madadamdaman mo sakaling mahuli ang nakababata mong kapatid o isa ng Barangay?
9. Paano mo ibabahagi ang kwentong ito sa iyong kapatid at magulang?
10. Masasabi mo ba na naging makatao ang paghaharap ng nanay at tauhan ng Barangay?
11. Patunayan ang sagot sa isang simpleng pangungusap.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.