Ang buong pangalan ni Jose Rizal ay JoseProtacioRizalMercadoyAlonsoRealonda o mas kilalang Pepe. Siya ay isang Pilipinong repormista para sa isang lipunang malaya at hindi isang rebolusyonaryong naghahangad ng kasarinlan. Isang puno ng Kilusan ng Pagbabago ng Pilipinas na itinatag ng mga Pilipino sa Barcelona, Espanya, nagbigay siya ng ambag-sulatin sa La Solidaridad. Si Jose Rizal ay ipinanganak noong Hunyo 191861 sa isang mayamang angkansaCalamba,Laguna.Siya ay ikapito sa labing-isang anak ng mag-asawang Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos. Nag-aral siya sa Ateneo Municipal de Manila, at nakakuha ng diploma sa Batsilyer ng Sining at nag-aral ng medisina sa Pamantasan ng Santo Tomas sa Maynila. Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Universidad Central de Madrid sa Madrid, Espanya, at nakakuha ng Lisensiya sa Medisina, na nagbigay sa kanya ng karapatan na magpraktis ng pagmemedisina. Siya ay makata, manunulat, at nobelista na ang pinakatanyag sa kanyang mga gawa ay ang nobela na Noli Me Tángere, at ang kasunod nitong El filibusterismo. Itinatag ni Jose Rizal ang La Liga Filipina, na samahan na naging daan sa pagkabuo ng Katipunan na pinamunuan ni Andres Bonifacio, na isang lihim na samahan na nagpasimula ng Himagsikang Pilipino laban sa Espanya na naging saligan ng Unang Republika ng Pilipinas sa ilalim ni Emilio Aguinaldo. Pinatay siya sa Bagumbayan, na ngayon ay tinatawag na Luneta, sa Maynila noong Disyembre 30, 1896.
Answers & Comments
Answer
>Jose rizal