Sa panahon ngayon, hindi natin maiiwasang mainggit sa ating kapwa, magkaroon ng sama ng loob sa kanila at magkaroon ng hindi pagkakakunawaan. At dahil tayo ay nasa modernong panahon, lumaganap ang isang pang-aapi at pang-aabuso na kung saan kabataan ang madalas na nabibiktima dito; ang Cyber-bullying. Ito ay nilikha at binigyang kahulugan ni Bill Besev bilang paggamit ng teknolohiyang pang-impormasyon at pangkomunikasyon para suportahan ang sinasadya at paulit ulit na mapanirang pamamaraan ng isang indibidwal o grupo upang makasakit ng tao at magpahiya ng kapwa. May iba’t ibang uri ng cyber bullying, ito ay maaaring dulot ng hindi pagkakaunawaan na kung saan ay nasasabi mo ang mga salitang makakasira sa reputasyon at imahe ng iyong kinagagalitan. Mayroon ding mga taong nangingibabaw ang pagka-inggit sa kanilang kapwa kung kaya’t sila ay nagpapahayag ng mga “exaggerated” na kwento ukol sa biktima at mga kwentong wala namang katotohanan. Ang iba naman ay sadyang wala lang maggawa kaya sila ay nagpapakalat ng mga sekswal na mga video o imahe. Ito ay kalimitang nangyayari sa mga sikat na personalidad kagaya na lamang ng mga artista. Mayroon din namang nabubully dahil sa kanilang mga pagkakamali. Sila ay pinagtatawanan o binabash ng mga netizens.
Answers & Comments
Answer: