sumulat ng sanaysay na may 10-15 pangungusap (Kasama na dito ang panimula ,katawan, wakas) na tumatalakay sa mga layunin ni rizal kung bakit niya isinulat ang nobelang el filibusterismo?
Ang nobelang El Filibusterismo o Ang Paghahari ng Kasakiman ay ang pangalawang nobelang
isinulat ng pambansang bayani ng Pilipinas na si Jose Rizal. Binigyang kahulugan ni Rizal ang
salitang “Filibustero” sa kanyang kaibigang si Ferdinand Blumentritt na nakabasa nito sa Noli ngunit
hindi lubusang nakaunawa sa kahulugan ng salita. Ganito ang paliwanag ni Rizal sa sulat: “Ang
salitang filibuster ay hindi pa gaanong alam dito sa Pilipinas… Una ko itong narinig noong 1872 nang
maganap ang parusang kamatayan sa tatlong paring martir. Naaalala ko pa ang takot na dulot ng
salitang ito. Maging ang aming ama ay pinagbawalan kaming banggitin man lamang angsalitang ito.
Kinapit ng mga pahayagan sa Maynila at ng mga Kastila ang salitang ito sa sinumang
pinaghihinalaang rebolusyonaryo… Ito ay nangangahulugan na isang mapanganib na taong
makabayan na maaaring hindi maglaon ay mabitay…”
Ang nobelang ito ay inihandog niya sa tatlong paring martir, na siyang naging pangunahing
dahilan kung bakit ito ay itinuturing na isang nobelang political. Isinulat niya ito apat na taon
pagkatapos isulat ang una niyang nobela na Noli Me Tangere. Tulad ng Noli, nakasulat ito sa wikang
Kastila. Dahil sa naunang nobela., binatikos ng mga prayle at binigyan pa si Rizal ng sulat na
nagsasaad ng layuning patayin siya.
Naging kasalanan ang pagbasa nito tulad ng sinabi ng mga prayle sa kanilang mga simbahan.
Ipinagbawal itong mapunta sa sirkulasyon dahil ito ay umaatake sa simbahan at mga Kastila. Sa
ilalim ng mga pangyayaring ito nanghinayang si Rizal na pinatay niya si Elias at hindi si Ibarra,
pahiwatig na wala ng kasunod ang Noli kung sakali. Nang panahong iyon ay masama din ang lagay
ng kanyang kalusugan kaya’t hindi na tiyak kung maitutuloy pa ang pagsulat tungkol sa rebolusyon.
Sa kabila ng mga pinagdadaanang ito makikita sa sulat ni Rizal kay Marcelo H. Del Pilar ang dahilan
kung bakit nais niyang ituloy ang pagsulat. Binanggit ni Rizal ang mga nakahihilakbot na mga
kaisipan na palaging sumasagi sa kaniyang isipan lakip pa rito ang nararanasan niyang madakas na
pananaginip o bangungot pa na may kinalaman sa mga namatay na kamag-anak at kaibigan, kaya
di katakatakang ganun na lamang ang pagnanasa niyang matapos ang pagsulat at mailathala ang
ikalawang yugto ng Noli Me Tangere, ang El Filibusterismo. Makikita sa El Filibusterismo na ang pagiisip ni Rizal ay napunta na sa pagiging rebolusyunaryo mula sa pagiging repormista. Sa unang
bahagi pa lamang ng nobela ay madarama na ng bumabasa ang tumutupok na damdamin ng
pagbabangon. Ito ay kinakatawan ng mayamang mag-aalahas na si Simoun na nilalason ang puso
ng layuning gisingin ang bayan upang makapagbangon laban sa pamahalaan.
Bagaman puno ng galit si Rizal nung mga panahong iyon ay isinulat pa din niya ang nobela ng
hindi para sa pagganti ngunit para sa kapakanan ng lahi niya. Ito ay makikita sa sulat ni Rizal sa
kanyang malapit na kaibigang si Ferdinand
Blumentritt noong March 29, 1891, ang liham ay kababasahan ng ganito: “Natapos ko na ang aking
aklat ito ay hindi ko isinulat hango sa ideya ng aking paghihiganti sa mga kaaway, ito ay para sa
ikabubuti ng mga taong labis na pinahirapan, bagay na nararapat sa lahing tagalog, kayumanggi ang
Answers & Comments
Answer:

kulay.