ISAGAWA
MAKIPAGTALASTASAN SA MGA TAONG KASAMA SA BAHAY, OBSERBAHAN ANG MGA SALITANG GINAGAMIT NILA SA PAKIKIPAG USAP AT ITALA ANG MGA ITO IPALIWANAG KUNG PAANO ITO GINAMIT.
1. INTERAKSYONAL
2. REGULATORI
3. INSTRUMENTAL
4. PERSONAL
5. IMAHINASYON
6. HEURISTIKO
PA HELP DITO ADVANCE THANKYOU MWUA❤️
Answers & Comments
Answer:
1. Interaksyonal
Gamit ng wika na nagbibigay-daan upang makipag-ugnayan sa mga taong kakilala. Sa pamamagitan nito ay nagagawang makabuo ng relasyon ang mga tao. Halimbawa nito ay ang pagsasabi ng “Mahal kita”.
2. Regulatori
Gamit ng wika na nagiging daan upang maipahayag sa kapwa ang nais gawin. Halimbawa: “Umalis ka diyan!”
3. Instrumental
Gamit ng wika na nagiging instrumento upang maipahayag ang pangangailan. Halimbawa: “Kailangan ko ng pera para sa aking proyekto.”
4. Personal
Gamit ng wika na nagiging instrumento upang maipahayag ang sariling opinyon o nararamdaman. Halimbawa: “Ako ay mabuting tao.”
5. Imahinasyon
Gamit ng wika na nagiging daan upang maipahayag ang malikhaing isip. Halimbawa: pagkanta
6. Heuristiko
Gamit ng wika na nagiging daan upang makakuha ng kaalaman tungkol sa kapaligirian. Halimbawa: “Ano ang epekto ng madalas na paggamit ng cellphones?”
Explanation:
sana makatolong po