Isagawa
Gawain 8: Isulat Mol
Panuto: Batay sa kasalukuyang kinakaharap natin kaugnay ng pandemya,
sumulat ng tula na nagpapakita ng pag-ibig sa iyong kapwa. Gamitin mo
lahat ang mga natutuhan mo upang makabuo ka ng magandang tula. Isulat
sa sagutang papel.
siyempre po pagbatayan dn po yung criteria sa pic..., paki galingan po
Answers & Comments
Ang pag-ibig sa kapwa ay isang dakila
Walang dapat pinipili, o inaalila
Taga patag ka man, maging taga bundok pa
Ang karapatan natin ay magkapareha
Ang mga mahihirap ay hindi dapat hamakin
Pagkat nasasaktan ang kanilang damdamin
Ganon din ang maliliit, at maiitim ang balat
Pantay lang na pagtingin, sa kanila ay sapat
Ang respeto sa isa't-isa ay ibigay ng totoo
Huwag gawin ang manlamang sa kapwa tao
Maging mapagmahal at manatiling tapat
Kabutihan ay ibigay, ito ang nararapat
Pag-ibig sa kapwa ay palaganapin natin
Dapat isa puso, at katahimikan ay kamtin
sana makatulog