Isagawa ,Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod. Isulat sa iyong kuwaderno ang titik ng napiling pinakaangkop na sagot.

1. Ang pa papahalaga at ang pagsang-ayon sa pasya ng nakararami ay isang katangian na kaaya-aya bilang isang kasapi ng pamilya. Paano mo ito maipapakita?
A. Magsasawalang kibo na lamang kung sila ay nakapagpasya na.

B. Magbibigay ng iyong sanling pananaw at hindi susunod sa kanila

C. Bigyang halaga, respetuhin at tumulong upang maisakatuparan ang desisyon ng nakararami.

D. Hayaan silang magdesisyon dahil wala ka namang maitutulong.

2. Alin sa sumusunod ang una at pinakapangunahing pamantayan sa paghubog ng isang maayos at matatag na pamilya?

A. Pagkakaroon ng responsableng ama at mapagmahal na ina na nagsasama nang matiwasay at payapa.

B. Pagpadami ng mga anak.

C. Balewalain ang karapatan ng bawat kasapi pamilya.

D. Pagbibigay ng luho sa mga anak.

3. Ang pamilya Vergara ay sama-samang nagsisimba kung Linggo at sama-
sama ring nananalangin sa araw-araw. Anong katangian ang ipinapakita
ng pamilyang ito na dapat tularan?

A. Pamilyang may malasakit sa karapatan ng bawat isa.

B. Pamilyang may pagmamahal at respeto sa isat isa.

C. Pamilyang nagkakaisa sa pananampalataya.

D. Pamilyang nagkakaunawan at nagbibigayan suporta sa bawat
kasapi

4. Ang pagsang-ayon ay pagtanggap, pagpayag at pakikiisa sa ipinyon ngiba.
Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng pagsang ayon sa nakararami?

A. "Bakit hindi ninyo naisipang ibahin ang plano?"

B. "Kaisa mo ako sa bahaging iyan, lubos akong nananalig

C. "Sana sa susunod hindi lang parati kayo ang masusunod."

D. "Wala na ba kayong maisip na paraan?

5. Bakit natin pinahahalagahan ang makakabuti para sa nakakarami?

A. Upang mapangalagaan ang kapakanan ng bawat kasapi.

B. Upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.

C. Upang maiwasan ang pagkamakasarili.

D. Lahat ng sagot ay tama.

please answer this properly, I typed this all since there's no papers.


Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.