Isagawa Panuto: Basahin ang sitwasyon at isulat kung paano maipakikita ang paggalang at pagsasaalang-alang sa karapatan ng kapuwa-tao. Isulat sa patlang ang iyong sagot. 1. Hinayaan ka ng iyong kapatid na gamitin ang mga art materials niya at labas-pasok ka lang sa kaniyang silid. Isang araw, may nakita kang kahon sa ibabaw ng kaniyang mesa at parang gusto mong usisain kung ano ito. Ano ang gagawin mo? 2. Ika-4 pa lamang ng madaling araw ay napapansin mo nang palaging naghahanda si nanay ng inyong agahan at ng isusuot ninyo araw-araw. Sa buong maghapon ay nakikita mo ring naglalaba, naglilinis ng bahay, naghuhugas ng mga pinggan at nag-aalaga siya ng nakababata mong kapatid hanggang ika-10 ng gabi. Pagod na pagod siya palagi ngunit ni minsan hindi siya nagreklamo. Bilang isang bata ano ang gagawin mo? 3. Narinig mo ang isang taong may sinasabi laban sa kaibigan mo. Lahat ng sinabi niya ay totoo. Bilang kaibigan, ano ang gagawin mo? 4. Napansin mo ang isang mag-aaral na may kapansanan ay tinutukso sa kabilang silid. Sa takot at hiya, napaiyak ito. Ano ang dapat mong gawin? 5. Madalas nagkakasakit si Noel. Ito ay dahil sa kakulangan ng sustansiya sa mga pagkaing kinakain niya. Bilang isang batang kumakain ng sapat at masusustansiyang pagkain, paano mo matutulungan si Noel?
Answers & Comments
Answer:
1.pipigilan ko ang aking sarili,
dahil baka mapagalitan ulit ako gaya nang nangyari noon
5.sasabihin ko sakanya ang dapat niyang kainin upang siya ay maging malusog
Explanation:
sorry yan lang alam ko pagpasensiyan mo nalang
ako