Isagawa
Gawain
Panuto: Gumawa ng pagsusuri sa mga pinagtibay na batas na ipinatutupad sa kasalukuyan. Isulat kung sinasang-ayunan o tinutulan ang mga natukoy na batas sa ibaba. Gamitin ang nakalakip na sipi ng batas sa iyong pagsusuri. Maaaring tumukoy ng ibang batas na wala sa modyul kung nanaisin. Sundin ang pormat na nasa ibaba.
Answers & Comments
Isagawa
Gawain
Panuto: Gumawa ng pagsusuri sa mga pinagtibay na batas na ipinatutupad sa kasalukuyan. Isulat kung sinasang-ayunan o tinutulan ang mga natukoy na batas sa ibaba. Gamitin ang nakalakip na sipi ng batas sa iyong pagsusuri. Maaaring tumukoy ng ibang batas na wala sa modyul kung nanaisin. Sundin ang pormat na nasa ibaba.
Mga Batas:
1. RH Bill
(Ang Batas na ito ay nagsusulong ng family planning upang maiwasan ang hindi inaasahang pagbubuntis at maiwasan ang paglobo ng populasyon)
2. Ang Anti-Terrorism Act of 2020
(isang batas sa Pilipinas na ang hangarin ay maiwasan, ipagbawal, at parusahan ang terorismo sa Pilipinas)
Sinasang ayunan o Tinututulan:
1. Sinasang ayunan
2. Sinasang ayunan
Dahilan ng pagsang ayon o pagtutol:
1. Ako ay sumang-ayon sa rh bill, dahil ito ay may magandang hangarin sa bawat pamilyang pilipino, ang pangunahing dahilan ng batas na ito ay upang maiwasan ang mahihirap na pamilya na magkaproblema sa kanilang pangangilangan. Ang batas na ito ay hindi lang mabibigyang benepisyo ang mga pamilya ngunit pati na rin ang bansa, dahil makokontrol ng batas na ito ang populasyon at kahirapan ng ating bansa.
2. Ako ay sumasang-ayon sa anti terrorism act of 2020, dahil ang terorismo sa pilipinas ang sentro ng problema sa pilipinas terorismo ang naghihiwalay ng pagkakaisa ng bansang pilipinas. Terrorismong grupo tulad ng New People's Army ay isang banta sa pilipinas dahil hindi lang pagkakaisa ng bansa ang naapektuhan kundi maging ang mga maliliit na pamilya na nakatira sa mga bulubundukin lugar sa pilipinas kasama narito ang mga indigenous people. Dahil ang pangunahing layunin ng NPA ay mag recruit the mga kabataan na sumali sa kanilang samahan.
Mga Probisyong Naaayon sa Likas na Batas Moral:
1. Nabibigyang karapatan ang mga pamilya na mamuhay ng maayos at organisado.
2. Nabibigyang karapatan ang mga kabataan at pamilya na maprotektahan mula sa mga terorismo.
Mungkahing Rebisyon:
1. Ang mungkahi ng batas na ito ay mapabuti ang kalagayan at estado ng pamumuhay ng mga pamilyang pilipino. Nabibigyan sila ng benepisyo at tinutulungan sila na mabigyang kaalaman patungkol sa pagiging organisado ng pamilya.
2. Mabibigyang proteksyon ang mga pamilya at mga kabataan na ayaw makilahok sa kanilang samahan. Sa batas ng ito na poprotektahan natin ang kalayaan at karapatan ng mga tao na ayaw sumali sa samahan ng mga terorismo.
Reymark R. Bumatay
Bayambang National High School