ISAGAWA A Panuto: Isalaysay at pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa kuwentong "Isang Insidente" gamit ang sequence chain Tauhan: Tagpuan Lugar: Panahon: Pangyayari Pangyayari2 Pangyayari 3 Pangyayart 6 Pangyayart 5 Porgyayon 4 B. Panuto: Gumawa ng pagsusuri sa kuwentong "Isang insidente sa pamamagitan ng pagsusulat ng mga elemento nito sa isang graphic organizer na nasa ibaba
Kung pwede po paki answer na din yung B. pag di maayos yung sagot report ko
Answers & Comments
Answer:
Umiihip ang maginaw na hangin mula sa hilaga, ngunit
kailangan ko pa ring gumising nang maaga para
maghanapbuhay. Halos wala akong nakasalubong sa
kalsada at nahirapan akong makakita ng masasakyang
pedicab papuntang Pasukan ng S--. Unti-unting
bumababa ang hangin. Sa ngayon, tinangay na ng hangin
ang lahat ng alikabok, iniwang malinis ang kalsada, kaya
napabilis ng kutsero ang pedicab. Nang papalapit na kami
sa Pasukan ng S--, may tumawid ng kalsada at nasabid sa
pedicab, kaya siya’y bumagsak.
Nakatihaya siya sa lupa habang nakatigil ang
pedicab. Sa tingin ko’y hindi naman nasaktan ang
matandang babae, at wala ring nakasaksi sa
nangyari, kaya nainis akong nagkaproblema pa ang
kutsero at ako’y natagalan pa.
Nakita ko kung paano siya dahan-dahang
bumagsak, at sigurado akong hindi siya
nasugatan. Nakasusuyang isipin na marahil
nagpapanggap lamang siya. Pinansin pa kasi
ng kutsero, kaya ngayon may problema na.
Kailangan na tuloy niya ng paraan para
makatakas sa gulong ito.
Ngunit hindi nag-alinlangan ang kutsero
pagkatapos sabihin ng matanda na siya ay
nasaktan. Tinulungan pa rin niya itong lumakad
nang marahan. Nagitla ako. Nang tumingin
ako sa harap, nakita ko ang himpilan ng mga pulis.
Dahil sa lakas ng hangin, walang tao sa
labas, kaya tinulungan ng kutsero ang matanda
papunta sa tarangkahan.
Nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam. Ang
maalikabok at pagod niyang katawan ay nagmukhang
malaki. Sa katunayan, habang siya ay papalayo, mas lalo
siyang lumalaki hanggang sa kailangan ko na siyang
tingalain. Tila may puwersa siyang ipinipilit sa akin,
pinagbabantaan ang aking maliit na sarili sa loob ng aking
togang gawa sa balahibo. Parang unti-unting nawawalan
ako ng lakas habang ako’y nakaupong walang kibo,
tulala, hanggang sa may pulis na lumabas sa estasyon.
Bumaba ako ng pedicab. Lumapit sa akin ang pulis at
sinabing, “Humanap ka na lang ng ibang pedicab. Hindi ka
na niya maipagmamaneho.”
Tumigil na ang hangin, ngunit tahimik pa rin ang kalsada. Nag-iisip
ako habang naglalakad, ngunit natatakot akong mag-isip ng mga
bagay-bagay na laban sa akin. Kung hindi nangyari ang insidente
kanina, ano ang ibig kong sabihin sa pagbibigay ng mga barya?
Pabuya ba iyon? Sino ba ako para husgahan ang kutsero? Hindi ko
masagot ang sarili ko. Kahit ngayon, sariwang-sariwa ito sa aking
alaala. Madalas ako’y nababalisa tuwing naaalala ito, dahil
napapaisip ako tungkol sa aking sarili. Nakalimutan ko na ang mga
suliraning pangmilitar at pampolitika, tulad ng mga klasikong
librong nabasa ko noong ako’y bata pa. Ngunit itong insidente ay
bumabalik sa akin, kadalasan ay mas malinaw pa kaysa sa
totoong buhay, tinuturuan ako ng kahihiyan.
Explanation
sana maka tulong