Questions


August 2022 1 0 Report
Isa sa pinakamagandang biyayang bigay sa atin ng kalikasan ay ang kaniyang kayamanan na may malaking tulong sa bawat isa sa atin. Kilala ang Pilipinas bilang isang bansang mayaman sa ginto dahil sa mga naglalakihang bundok na paparito. Ang mga gintong ito ay nararapat na maging daan sa pagtaas ekonomiya at industriya. Ngunit bakit marami pa ring mga taong nangaabuso rito?Kilala si Gina Lopez bilang isang boses ng kalikasan na ipinaglalaban ang nararapat para rito. Upang hindi maabuso ang kalikasan, gumawa ng mga hakbang si Lopez gaya ng pag-aplay niya bilang Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary upang mas lumakas ang kaniyang pagpapatupad sa mga ginawang programa sa pagsalba ng ating kalikasan. Isa sa kaniyang binibigyang pansin ang minahan sa Tampakan, South Cotabato na mas kilala bilang Sagittarius Mines Incorporated (SMI). Ang kompanyang ito ay patuloy sa pagmimina at binubutasan ang mga bundok sa Tampakan upang makaani ng mga ginto. Mayroon ding mga minahan na gumagawa ng mga aktibidad na wala namang pahintulot sa gobyerno.Ang SMI ay mayroon ding magandang layunín, ito ay pagbibigay trabaho sa mga taong umaasa lamang sa kompanyang ito. Kaya hindi kataka-katang may mga taong hindi pa rin pabor sa pagpapasara sa minahan sa rehiyon 12 bagaman malalagay sa alanganin ang kanilang kaligtasan sakaling darating ang sakunang dulot ng kalikasan na naaabuso dahil sa pagmimina.

Nakakalungkot isipin na ibinasura ng senado ang hakbang ni Lopez. Tuluyan na bang mawawalan ng boses ang ating kalikasan? Gumising tayo at pagisipang mabuti ang ating ginagawa ngayon dahil sa isang pagkakamaling desisyon, kinabukasan ng susunod na henerasyon ang mawawala.

Panahon na upang itigil ang pang-aabusong ating kalikasan sa pamamagitan ng pagpapahinto ng pagmimina ng ginto.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.