Isa sa mga katangiang maipagmamalaki nating mga Pilipino ay ang mabuti
nating pagtanggap sa mga panauhin. Kapag ang isang pamilya ay may
inaasahang panauhin, bawat isa ay abala sa paghahanda. Sila’y naglilinis at nag-
aayos ng kabahayan. Nagluluto ang pamilya ng masarap na pagkain at
naghahanda ng maraming prutas at inumin. Pinagkakaabalahan din nila kung
ano ang maipauuwing pasalubong ng panauhin.
Mga tanong:
1. Ayon sa talata, anong katangiang maipagmamalaking nating mga Pilipino?
2. Ano-ano ang ginagawa ng isang pamilyang Pilipino kung may inaasahang
panauhin? Magbigay ng tatlo.
3. Ano ang paksa ng talata?
Answers & Comments
Verified answer
Answer:
1.Isa sa mga katangiang maipagmamalaki nating mga Pilipino ay ang mabuti nating pagtanggap sa mga panauhin.
2.Una kapag ang isang pamilya ay may inaasahang panauhin bawat isa ay abala sa paghahanda, pangalawa sila'y naglilinis at naglilinis ng kabahayan, at ang pangatlo naman ay nagluluto ang pamilya ng masasarap na mga pagkain.
3.Isa sa mga katangiang maipagmamalaki nating mga Pilipino ay ang mabuting pagtanggap sa mga panauhin.