Questions


January 2022 1 11 Report
"ISA PARA SA LAHAT"

Abala ang pangkat ng mga kabataang magkakapitbahay sa pagpupulong kung paano mananalo ang kanilang lugar sa proyektong Luntiang Barangay ng kanilang kapitan.Layunin ng proyektong ito na hindi lamang mailayo ang mga kabataan sa masamang gawain kundi maging sensitibo at responsable pagdating sa kapaligiran.

Aries: O,mga kasama may naisip na ba kayong plano para sa proyekto ni kapitan?

Chel: Anim na buwan ang paghahanda kaya dapat ngayon pa lamang ay may malinis na tayong plano.

Jois: Maaari nating simulan na hatiin ang ating pangkat sa apat para makapag bahay-bahay para malaman ng ating mga kapitbahay ang proyektong ito ni kapitan at nang mahingi natin ang kanilang pakikiisa.

Jeff: Ubos oras yan Jois.I-text na lang natin sila.

Jam: Sa pag-iikot natin sa mga kapitbahay,pwede na nating hingin ang tulong nila na simulang magtanim ng mga gulay at iba pang halaman sa kanilang bakuran.

Jeff: Manghingi na lang tayo ng tulong pinansyal at bumili ng mga halaman kaysa gawin.

Rey: Sang-ayon ako sa naisip
nila Jois at Jam.Maaari rin nating ikonsidera ang punto ni Jeff ngunit napansin ko lamang na hindi maganda ang paraan ng pagtanggap nya
sa suhestiyon ng dalawa.

Mayin: Oo nga.
Parang barado lahat ng mungkahi noong dalawa sa kanya.

Jeff: Ang sa akin lang naman ay bakit pa tayo magpapakahirap kung pwede namang padaliin ang lahat?

Analyn: Bukas ang usapang ito sa sinumang nais magbigay ng munkahi at ideya kaya nga tayo nagpupulong hindi ba?Pero sana ay bigyan natin ng respeto anuman ang maibabahagi ng bawat isa.

(Nahihiya man sa mga kasamahan ay muling nagsalita si Jeff)

Jeff: Pasensya na kayo kung naging negatibo ako sa mga ideya ninyo.Masyado lang siguro akong nasabik sa kalalabasan ng ating proyekto ito at gusto kong makita agad ang resulta nito.

Jois at Jam: Okey lang Jeff, naiintindihan namin basta huwag mo nang uulitin. (Tumango si Jeff tanda ng pag sang-ayon)

Lhen: Kung ganon,pwede nating tanggapin ang mungkahi nila Jois at Jam bilang mga unang hakbang sa ating mga plano.

Chay: Sang-ayon din ako sa kanila. Maaari rin nating tanggapin ang mungkahi ni Jeff na humingi ng tulong pinansyal ngunit sahalip na ipambili ng mga halaman ay pinturang berde amg ating paglalaanan para pare-pareho ang kulay ng labas ng ating mga bakuran.

Aries: Sa palagay ko pwede rin tayong bumili ng mga buto ng gulay na ipamimigay sa mga ating kapitbahay para maitanim nila.

Ria: Maganda ang naisip mo Aries. Sa tingin ko pwede tayong mag lagay ng bakal na sabitan ng sakong paglalagyan ng iba't-ibang klaseng basura para hindi nakakalat ang mga basura kung saan saan.

Chay: Tama ang sinabi mong yan Ria kaya sa palagay ko rin ay hindi natin dapat aksayahin ang oras at araw natin.Simulan na natin bukas ang unang hakbang. (Sinang-ayunan ito ng lahat)

Mabilis na lumipas ang anim na buwan at mula sa iba't-ibang ideya na tumutugon sa iisang layunin nabuo ang pangarap na proyekto ng grupo. Isa ang lugar nila na napili bilang Luntiang Barangay.


1. Ano ang proyektong lalahukan ng grupo ng mga kabataang magkakapitbahay?

2. Paano binuo ng pangkat ng mga kabataang magkakapitbahay ang plano para
sa gagawin nilang mga hakbang?

3. Ano ang reaksyon ng mga kasama sa inasal ni Jeff?
4. Paano mo maipakikita ang paggalang sa ideya o mungkahi ng iba?

5. Sa iyong palagay dapat bang pakinggan at tanggapin ang suhestiyon ng bawat
isa sa isang grupo kahit hindi ito maganda? Bakit?

6. Ano ang mararamdaman mo kung ikaw ang nasa kalagayan nina Jois at Jam?

7. Kung ikaw naman si Jeff, ano ang mararamdaman mo sa nagging reaksyon ng
mga kasamahan mo sa ginawa mo?

8. Ano ang natutuhan mo sa binasang usapan?​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.