Questions


August 2022 1 0 Report
ISA, DALAWA, TATLO

ni Marites F. Clement

Nagmamadaling bumangon. Parang may kakaiba sa loob ng
bahay. Hindi mapakali, paikot–ikot, palakad–lakad ngunit hindi niya
magawang makapasok. Maya–maya’y lumabas ako sa pintuan na may
dala–dalang mangkok ng pagkain at inumin. Tumitig lamang siya sa
akin. Sa aking pananaw, tila may gusto siyang itanong sa akin pero
mas pinili na lamang nitong manahimik at yumuko at hindi ginalaw
ang pagkain. Marahan ko siyang tinapik, niyakap at hinagkan. “Love
you Prince, sige kain ka na.” Alam ko, sa aking tinuran, pagyakap at paghalik ang
nagpakalma sa kaniya. At sa tingin ko ay sapat na iyon upang siya ay
makatulog nang mahimbing. Lumipas ang magdamag hanggang sa
mag-umaga na naman, iba talaga ang kaniyang nararamdaman at
sigurado siyang may nangyayari sa loob ng bahay. Desidido na siyang
alamin kung ano ito. Tumindig siya, iniangat ang ulo at ang mga paa’y
handa nang humakbang ngunit bigla siyang nagulantang, napaatras at
naging larawan siya ng pagkalito. Kung ako ang tatanungin, alam kong nakatingin siya sa akin
habang buhat–buhat ko ang dalawang munti na mahimbing na
natutulog sa aking mga bisig. Lumapit ako sa kaniya nang dahan– dahan hanggang sa halos isang dangkal na lamang ang layo namin sa
isa’t isa. Kahit na bantulot si Prince ay pinutol na niya ang
namamagitan sa aming dalawa. Marahang inamoy–amoy ni Prince ang
dalawang paslit at maya–maya pa ay mabilis na kumawag–kawag ang
kaniyang buntot lalo na nang magmulat ang mga mata ng mga tuta at
nag-iyakan ang mga ito. Natawa na lamang ako sa aking nasaksihan. At ngayon nga ay pormal ko nang ipinakilala kay Prince ang dalawang
tuta, na sina Princess at Xiao-mi. “Isa, dalawa tatlo, tatlo na ang mga
alaga ko, mahal na mahal ko kayo!” Kitang-kita kay Prince ang katiwasayan ng kalooban at
kasiyahan pagkat halata ito sa walang humpay na pagkawag ng
kanyang buntot at sunod–sunod na pagkahol. Mga Tanong:
1.Tungkol saan ang binasang akda?
2.Ano ang masasabi mo sa akdang binasa?
3.Ano-anong mga damdamin ang nakapaloob sa binasang akda?
I

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.