Questions


September 2022 1 2 Report
Isa ang dhubor sa mga magpapatunay na ang kuwento ay isang kuwentong bayan, sa anong kadahilanan?

Story:
Noong unang panahon, sa isang bayan ay may taong mga naninirahan na sunod-

sunoran sa kanilang pinuno dahil sa takot na lumabag sa umiiral na batas doon.

Ang pinunong si Abed ay bumibisita sa kaniyang mga tauhan upang alamin kung sino

ang mga higit na nangangailangan. Nang mapansin ni Subekat na lumilibot araw-araw ang

pinunong si Abed upang mamigay ng pagkain sa mga naghihirap ay kaagad siyang kumuha

ng bato at isinalang sa kalan. Nang marating ni Abed ang kubo, binati siya ni Subekat. Nakita

niya ang kaldero na may nilagang bato. Nang mapansin niya ito, sinabihan niya si Subekat na

kunin kinaumagahan ang kanyang parte na nakalaan para sa kanya.

Isang araw, nagtipon ang mga tao upang magdasal ng dhubor (pantanghaling

pagdarasal). Nang makatapos sila ay nagtanong si Abed kung sino ang wala sa kaniyang mga

tauhan. May nakapagsabi na si Subekat ang wala. Samantala, ipinaalam ni Abed sa mga tao

na aalis sila para magsuri ng lupa dahil kakaunti na lamang ang lupa para sa susunod na

henerasyon.

Nang papaalis na sila ay siya namang pagdating ni Subekat. Nagpahayag si Subekat

ng kagustuhang sumama sa pag-alis. Pinayagan ni Abed na sumama si Subekat kahit na

hindi niya siya nakita sa pagdarasal. Sa pag-alis nilang ito ay matatanto ni Abed kung tunay

ba na kasama si Subekat o hindi.

Sa pag-alis ng pangkat, sinabi ni Abed na kailangang magdala ang bawat isa ng bato

na tamang-tama lang ang bigat para sa kanila. Nagdala si Subekat ng batong sinlaki lang ng

kanyang hinlalaking daliri. Nang mapagod na sila sa kanilang paglalakbay ay minabuti nilang

magpahinga at magdasal. Hindi pa rin sumali si Subekat sa kanyang mga kasamahan.

Pagkatapos magdasal ay ipinag-utos ni Abed na buksan ng kanyang mga tauhan ang

kanilang baon. Nang mabuksan na nila, ang lahat ng dala nilang bato ay naging tinapay.

Bukod tanging si Subekat na ang dala ay sinlaki lamang ng hinlalaki ang nagutom dahil sa liit

ng kanyang tinapay.

Bago sila magpatuloy sa kanilang paglalakbay, sinabihan muli ni Abed ang kaniyang

mga kasama na magdala ng maliit na bato. Sumunod ang lahat ng mga tao, maliban kay

Subekat na ang dinalang bato ay ang pinakamalaki sa pag-aakalang magiging tinapay ito.

Nang dumating na sila sa kanilang pupuntahan, sinabi ni Abed sa bawat isa sa kanila na ihagis

sa abot ng kanilang makakaya ang mga batong dala nila dahil ito na rin ang lawak ng lupang

matatamo ng kanyang mga nasasakupan. Samantala, si Subekat na nagdala ng

pinakamalaking bato ay sinlaki lamang ng bilao ang nakuhang lupa. Ito ay sa kadahilanang

sobrang bigat ng bato at hindi nya kayang ihagis ng malayo. Doon lamang sa nahulugan ng

bato ang kanyang makukuhang lupa.

Nalungkot si Subekat sa kaniyang makukuhang lupa. Nang makita ni Abed ang liit ng

kanyang nakuhang lupa ay sinabi niya kay Subekat na nangyari iyon dahil sa hindi ito

sumusunod sa mga patakaran at sa ganitong pag-uugali ay hindi siya magkakaroon ng

magandang kinabukasan.

Sipi mula sa Mga Piling Kuwentong Bayan ng Mga Maguindanaon at Maranao​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.