Ipaliwanag,“Ang pagpapasalamat ay susi sa maligayang buhay na hawak ng ating mga kamay. Kung hindi tayo
magpapasalamat, hindi tayo magiging maligaya kahit marami na tayong biyayang natatanggap—sapagkat lagi na
lamang tayong maghahanap at maghahangad nang higit pa.”
Answers & Comments
Answer:
Mahalaga na tayo ay magpasalamat sa mga bagay na mayroon tayo, malaki man o maliit. Ang tunay na kasiyahan ay hindi galing sa kung ano ang natatanggap natin kundi sa kung paano natin pinahahalagahan ang mga bagay na mayroon tayo.
Hanggat hindi tayo natututo na magpasalamat, hindi natin makakamit ang tunay na kasiyahan dahil maghahangad lang tayo ng mas higit pa. Kahit na ano pang ibigay sa atin hindi natin makikita ang halaga nito at ipagsasawalang bahala lamang.
Matuto tayong magpasalamat sa kung ano ang mayroon tayo, itigil na nating ikumpara ang ating mga sarili sa iba dahil kailan man hindi tayo magiging masaya kung puno ng inggit at paghahangad ng wala ang ating mga puso.
Hindi masamang maghangad at mangarap ngunit huwag nating kalimutan na magpasalamat sa kung anong mayroon tayo.
#CarryOnLearning
-Akemi1043
/ᐠ。ꞈ。ᐟ\