“Kapwa ko at Sarili, Aking Pahahalagahan” , itong kataga na ito ay may malalim na kahulugan. Sa panahon ngayon hindi lang sarili natin ang dapat pahalagahan, maging ang ating kapwa ay dapat pahalagahan dahil katulad mo sila ay tao din at may pakiramdam. Ang isang tao na marunong magpahalaga sa sarili ay marunong din magpahalaga sa kapwa. Ang pagpapahalaga sa sarili ay napakahalaga upang mabuo ang iyong pagkatao. Ang pagpapahalaga naman sa kapwa ay mahalaga sa isang lipunan upang magkaroon ng maayos at matiwasay na samahan ang bawat isa. Kung ikaw ay may pagmamahalaga sa sarili at kapwa ay matututunan mo rin magkaroon ng respeto sa iyong sarili at sa iyong kapwa. Maraming depinisyon nakapaloob sa pagpapahalaga, isa na dito ang matibay na bumibigay ng importansya sa buhay ng isang tao. Kadalasan, ito ay nagdidikta at ginagamit na basihan sa paggawa ng desisyon. Kaya sa depinisyon na ito masasabi natin na mapakahalaga ng pagpapahalaga sa sarili at kapwa dahil iniingatan mo ang buhay mo at buhay ng ibang tao. Pati ang desisyon na magagawa mo sa iyong sarili at sa kapwa.
Answers & Comments