upang malibang ang sarili sapagkat ngayon ang araw ng kanilang pagkikita ni Ibarra, at siya ay hindi mapakali sa pananabik na masilayan ang kanyang sinisinta.
Napagpasyahan na siya ay magbaksyon sa San Diego sapagkat nalalapit na na ang pista doon. Pamaya-maya ay dumating na si Ibarra at hindi maikakailang nataranta ang dalaga.
Pumasok pa ito sa silid at tinulungan naman siya ni Tiya Isabela na ayusin ang sarili. Lumabas rin ito ay nagkita ang dalawa sa bulwagan. Nagtama ang kanilang paningin at kapwa nagkaroon ng kaligayahan sa kanilang mga mata.
Nagtungo sila sa Asotea upang makapag-sarili at makaiwas na rin sa alikabok na likha ng pagwawalis ni Tiya Isabel.
Masinsinang nag-usap ang dalawa tungkol sa kanilang nararamdaman, sa kanilang mga sinumpaan sa isa't-isa , sa kanilang kamusmusan, sa kanilang naging tampuhan at mabilis na pagbabati. Kapwa itinago ng dalawa ang mga ala-ala at bagay na ibinigay nila sa isa't-isa:
Ang dahon ng sambong na inilagay ni Maria Clara sa sumbrero ni Ibarra upang hindi ito mainitan, at ang sulat ni Ibarra kay Maria bago ito tumulak papuntang Europa. Binasa ito ni Maria Clara sa Katipan. Kabilang sa sulat ang layunin ni Don Rafael na pag-aralin si Ibarra sa malayong lugar upang makapaglingkod ng mataas na kalidad sa bayang sinilangan
Handa rin itong magtiis na mawalay sa anak upang sa bandang huli ay maibigay nito sa bayan ang kanyang hangarin.
Answers & Comments
Ang muling pagkikita ni Ibarra
at Maria Clara
Si Maria Clara ay nanahi habang kausap ang ama

#CarryOnLearning