Ipaliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa mga sumusunod na
awiting-bayan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1.Matulog ka na bunso
Ang ina mo ay malayo
At hindi ka masundo
May putik, may balaho.
Kaisipan:_________________________________________
2.Umawit tayo at ipagdiwang
Ang dalawang pusong ngayo'y ikakasal
Ang daraanan nilang landas
Sabuyan natin ng bigas.
Kaisipan_________________________________________
3.Ang nuno nating lahat
Sa kulog di nasisindak
Sa labanan di naaawat
Pinuhunan buhay, hirap
Mabuhay nang panatag.
Kaisipan:_________________________________________
4.Bahay kubo, kahit munti
Ang halaman doon ay sari-sari
Singkamas at talong, sigarilyas at mani
Sitaw, bataw, patani.
Kaisipan:_________________________________________
5.Leron, leron sinta, buko ng papaya
Dala dala'y buslo, sisidlan ng bunga
Pagdating sa dulo, nabali ang sanga
Kapos kapalaran, humanap ng ina
kaisipan: _________________________________________________
Answers & Comments
Answer:
1. Ito ay isang awiting panghele o pampatulog (Oyayi). Kinakanta ito ng isang matanda na kapatid na ipinapatulog ang bunsong kapatid o isang yaya ang nagpapatulog sa bunso habang wala ang kanyang ina.
2. Ito ay isang awitin sa panahon ng pamamanhikan o sa kasal. (Diyona) Ito ang kinakanta ng mga mang-aawit ng kasal. Ipinagdidiwang ang dalawang puso na nagmamahalan.
3.Ito ang awit ng papkikidigma o pakikipaglaban. (Kumintang) Ang awitin ay inilahad sa kanilang "nuno" sa paglaban para maging panatag ang kanilang buhay. Pwede ito ilahad sa ating mga magulang o osino ang tumulong sa ating hirap.
4. Ang awiting ito ay simpleng awitin lamang para sa mga bata. Ipinapakita dito ang mga gulay at prutas na pinagaaralan ng mga bata.
5. Simpleng awiting bayan para sa mga bata. Ipinapakita ng awiting ito ang mga tao na nagtatrabaho sa mga bukirin ang nag-aani ng mga prutas.
Ngunit, merong mga ibang kahulugan ang awiting ito dahil hindi malinaw
ang pag bigay ng kahulugan ng mga literatura. Ito rin ay isang awit sa sama-samang paggawa. (Maluway)
<3 stay safe everyone <3