Kapag tinatanong ko ang isang tao, "Ano ang pinaka-naaalala mo tungkol sa Primary?" ang madalas na sagot ay, "Ang musika." Hindi natin malilimutan ang mga titik sa mga awitin sa Primary-nakatimo ang mga ito sa ating puso. Tingnan natin, halimbawa, ang sumusunod na mga awitin sa Primary. Makukumpleto ba ninyo ang bawat parirala?
"Sinisikap kong tularan ..."
"Ama sa Langit kayo ba'y ... ?"
"... Aklat ni Mormon "
Habang kinukumpleto ninyo ang bawat pangungusap, nasumpungan ba ninyo ang inyong sarili na kinakanta ang himig?
Kung gayon, siguro ay dahil pinalalakas ng musika ang ating mga pandamdam, inaantig ang ating damdamin, at ibinabalik ang mga alaala. Kaya hindi nakapagtataka na ipinagdiriwang natin ang mga paglalaan ng templo sa isang kaganapang pangkultura kung saan lumalahok ang mga kabataan sa nakasisiglang musika at pagsasayaw. Sa mga kaganapang ito "magkaingay [tayong] may kagalakan sa Dios" at "awitin [natin] ang kaluwalhatian ng kaniyang pangalan"
Answers & Comments
Answer: