Ibig ipakahulugan ng walang kamatayang linyang ito mula sa Florante at Laura ang pag-ibig na wagas.
Walang sino man ang makapipigil sa hinihiling ng puso sapagkat ang pag-ibig, hindi 'yan pinipili, kusa iyang dumarating. Iyon bang hindi mo alam na nariyan na pala't nasa tabi mo na lang at abot kamay mo na ang pag-ibig ng buhay mo. Walang pinipili ang puso, kaya hindi mo rin malalaman, dahil ang pag-ibig ay para sa lahat.
Ang tao ring wagas na umiibig ay kayang gawin ang lahat para lang sa kaniyang iniibig.
Answers & Comments
"O, pagsintang labis na makapangyarihan,
Sampung mag-aama'y iyong nasasaklaw!
Pag ikaw ang nasok sa puso ninuman,
Hahamaking lahat, masunod ka laman."