Ang kahulugan ng supling ay anak. Sa tulang nasa itaas, sinasabing ang isang supling ay isa sa mga buhay sa lipunan. Ang supling ay inihahalintulad sa isang simula, simula ng isang buhay. Ang bathala ay ang mga magulang. Sinasabi rin na ang mga manlilikha ay uhaw sa sining ng pintura. Maaaring ito ay nagpapakahulugan sa pagnanais ng mga magulang na malagyan ng kulay ang buhay ng kanilang mga anak upang makamtan ang glorya o masarap na buhay.
Answers & Comments
Verified answer
Answer:
"Supling"
ni Ruth Elynia S. Mabanglo
Bawat supling ay isang buhay,
Isang buhay sa lipon ng buhay,
Lipon ng uhay sa iisang buhay,
Hindi kita naglalamay upang ilarawan
Ng titig ang magdamag
Ang magdamag ay kapanangang
Lumalatag sa paglikha
Habang pinagbilingkis ng daliri
Ang angat ng mga bathala.
Tayoý manlilikhang uhaw
Sa sining ng mga pintura
Kaya ang karimlaý pinagdudugo ka
Sa pagkakabuhulang hininga
May nanunulay sa tangos ng glorya,
May dumudukal sa pakwang mamera
May mamamangka sa esterong alaala
Hindi ba’t ito ang wakas at simula
Sa kasaysayan ng bawat paglikha?
Explanation:

#BRAINLYFAST