Tayahin
Panuto: Basahin ang ulat sa ibaba at sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat
ang titik ng iyong sagot sa sagutang papel.

(STORY)

Ulysses, Iba Kay Ondoy — Climatology Expert
MANILA, Philippines — Malaki umano ang pagkakaiba ng Super Typhoon
Ondoy na nanalasa noong September 2009 sa Bagyong Ulysses na naranasan
ngayon ng Metro Manila at Luzon dahil ang bawat bagyo ay may kanya-kanyang uri
at lakas na dalang ulan at hangin.

“Itong si Ulysses, hindi ito kabagalan. Hindi ito katulad ni Ondoy. Si Ondoy
talagang napakabagal ng kilos niyan. Sa unti-unti niyang galaw (Ondoy), puro ulan
ang dinala niya. Walang masyadong hangin,” pahayag ni Nathaniel “Mang Tani” Cruz,
dating climatologist ng PAGASA at resident meteorologist ng GMA.

Ayon kay Cruz, si Ondoy ay kumain ng maraming buhay- at puminsala sa
maraming ari-arian at imprastraktura nang magkaroon ng flashfloods dahil sa
matinding ulan na bumuhos sa loob lamang ng anim na oras.

Samantala si Ulysses ay naapektuhan lamang ng mga nagdaang mga bagyo
kaya ang dala nitong ulan ay matindi ring nakaapekto sa mamamayan.

“Ito kasing si Ulysses, ilang bagyo na kasi ang dumaan bago ito dumaan. So,
‘yung lupa, maging sa Sierra Madre ay babad na babad na. Saturated na kaya
kaunting ulan lamang ay nagkakaroon ng run-off,” dagdag ni Cruz.

Ito anya ang dahilan kung bakit umabot ang water level ng Marikina river ng
21.9 meters kahapon, mas mataas sa 21.5 meters na water level ni Ondoy noon.

Sinabi rin ni Cruz na mas maraming bagyo na ang dumaan bago si Ulysses
kaya pati ang mga dam tulad ng Angat ay umapaw ang tubig.
Mensahe para sa Guro
Ang sagot ng bata ay ibabatay sa pamantayang Rubric na iyong inihanda.
Mensahe para sa Guro
Ang sagot ng bata ay ibabatay sa pamantayang sinusunod o Rubrik.

Kung ikukumpara naman si Ulysses sa Super Typhoon Rolly, si Ulysses ay mas
mahina pero ang impact ay higit na naramdaman dahil kakadaan lang ni Rolly at hindi
pa nakakabangon ay may bagyo na naman.
Angie dela Cruz
Pilipino Star Ngayon
November 13, 2020

1. Sino ang dating climatologist ng PAGASA at resident meteriologist ng GMA?
a. Kim Atienza c. Mike Enriquez
b. Jessica Soho d. Nathaniel Cruz

2. Kailan nanalasa ang Super Typhoon Ondoy sa Pilipinas?
a. Disyembre 2018 c. Disyembre 2011
b. Septyembre 2009 d. November 2015

3. Anong bagyo ang nanalasa sa Pilipinas nitong Nobyembere 11, 2020 na halos
nalubog sa baha ang buong Marikina?
a. Bagyong Rolly c. Bagyog Ulysses
b. Bagyong Ondoy d. Bagyong Quinta

4. Bakit umabot ng mas mataas ang level ng tubig ng Marikina River nitong kay
Bagyong Ulyses kaysa noong kay Bagyong Ondoy?
a. Dahil ang Marikina River ay maraming nakabara na basura.
b. Dahil sa ang bagyong Ondoy ay mas mahina kaysa bagyong Ulysses.
c. Dahil ang Bagyong Ulysses ang pinakamalakas sa lahat ng bagyo ngayong
taon.
d. Dahil sa sunod-sunod na bagyo ang dumating bago pa man ang bagyong
Ulysses.

5. Paano mo paghahandaan ang ganitong uri ng kalamidad?
a. Matulog dahil malamig ang panahon.
b. Manatili sa loob ng bahay kahit pinapalikas na.
c. Maghanda ng emergency kit at makibalita sa mga pangyayari.
d. Makinig ng balita sa radyo o telebisyon ng mga babala at signal.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Karagdagang Gawain
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
iyong sagutang papel.

1. Nakita ni James sa pintuan ang ganito: Bawal Pumasok.
a. Maaring pumasok. c. Hindi maaring pumasok sa loob
b. Sigawan ang nasa loob. d. Pumasok nang tuloy-tuloy sa loob

2. Ano ang ibig sabihin ng nakasulat na “Panatilihin ang Social Distancing”
a. Umiwas sa mga social na tao.
b. Maghawak kamay sa paglalakad.
c. Huwag makipagsiksikan sa mga tao.
d. Kailangan mananatili ang pagiging social

\3. Habang naglalakad sa kalsada si Caye at ang kanyang nanay nakita nila ang
simbolong nasa ibaba. Ano ang ibig sabihin ng simbolong ito?
a. bilisan mo ang paglalakad
b. bawal ang pagtawid sa linya
c. iisang tao lang ang pwedeng tumawid
d. tumawid sa tamang tawiran o pedestrian lane

4. Ang tsart na nasa ibabaw ay ang Rainfall Warning Signal ng PAGASA tuwing
may bagyo. Ano ang ibig sabihin kung nasa Orange Warning ang isang lugar? a.
walang pagbaha sa mababang lugar
b. matinding pagbaha sa mababang lugar
c. aasahan ang pagbaha sa mababang lugar
d. nagbabadyang pagbaha sa mababang lugar

5. Ano naman ang gagawin kapag nasa Red Warning ang isang lugar?
a. subaybayan ang lagay ng panahon
b. maghanda sa posibilidad ng paglikas
c. lumikas at pumunta sa mataas na lugar
d. huwag pansinin ang warning sign ng PAGASA

(PLEASE ANSWER IT PROPERLY OR I SWEAR I WILL REPORT YOUR WRONG/INPROPER ANSWERS)

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.