Questions


October 2022 2 1 Report
.Sagutin ang nasa ibaba at titik lamang ang isulat na patlang.
____1. Ito ay nagmula sa salitang Latin na dignus na ang ibig sabihin ay “karapatdapat”.
a. dignidad b. kalayaan c. kilos-loob d. konsensya
____2. Saan nagkakaroon ng pagkakapantay-pantay ang lahat ng tao?
a. Sa panahon ng ating kamatayan.
b. Sa pagmamahal na natatanggap natin sa ating pamilya.
c. Sa mata ng Diyos at sa lipunang kaniyang kinabibilangan.
d. Sa taglay niyang dignidad at mga karapatan na nakapaloob dito.
___3. Ang dignidad ay ang likas na halaga ng isang tao. Ang pahayag ay nangangahulugan na:
a. Lahat ng tao ay may halaga.
b. Ang dignidad ay maaaring mawala sa iyo.
c. Simula kapanganakan ay taglay na natin ang dignidad.
d. Maaari nating makuha sa ibang tao ang ating dignidad.
___4. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kasali sa konsepto ng dignidad ayon kay Smykowski?
a. Self-Awareness b. Self-Confidence c. Self-Love d. Self-Worth

___5. Anong konsepto ng dignidad ang tumutukoy sa proseso ng pagtanggap sa lahat ng bagay na
bumubuo sa iyong pagkatao?
a. Self-Appreciation b. Self-Confidence c. Self-Esteem d. Self-Worth
___6. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng Self Care o pangangalaga sa sarili?
a. Naglalaan ng oras upang makapagpahinga.
b. Natutulog ng maaga at hindi nagpupuyat sa gabi.
c. Pagkain ng masusustansiyang pagkain tulad ng gulay at prutas.
d. Lahat ng nabanggit.
___7. Ano ang pinakamagandang maitutulong ng pagkakaroon ng dignidad sa iyong sarili?
a. Mahalin ang iyong sarili.
b. Mapaunlad ang iyong sarili.
c. Matanggap mo ang iyong buong pagkatao.
d. Maunawaan na ikaw ay espesyal at mahalaga bilang isang tao.
___8. Bakit kaya hindi pantay-pantay na nilikha ng Diyos ang tao?
a. Upang ating maunawaan na kailangan natin ang ating kapuwa.
b. Upang matutuhan natin ang maging mapagbigay at mabuti sa kapuwa.
c. Upang maibahagi natin sa iba ang ating sariling kakayahan at talento.
d. Upang magkaroon tayo ng pagkakataon na mapaunlad ang ating sarili sa iba’t ibang paraan
__9. Sino sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng paggalang at pagpapahalaga sa dignidad ng
kaniyang kapuwa?
a. Isang politiko na tapat na naglilingkod sa kanyang mga nasasakupan.
b. Isang estudyante na laging handang tumulong sa mga nangangailangan.
c. Isang negosyante na tinanggalan ng trabaho ang matatandang trabahador.
d. Isang lider na pantay ang ibinibigay na pagtingin sa kanyang mga kasamahan.
___10. Kailan maaring mawala ang dignidad ng isang tao?
a. Kapag inapakan ng iba ang pagkatao ng kaniyang kapuwa.
b. Kapag ang isang tao ay inakusahan ng maling paratang ng iba.
c. Kapag ipinagkait sa kaniya ang mga karapatan niya bilang isang tao.
d. Ang dignidad ay likas/innate kung kaya’t hindi ito pwedeng mawala o alisin sa kahit kanino.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.