Questions


September 2022 1 5 Report
ilum
Si Tintin ay isang masayahin, kikay, pilya at makulit na bata Siya ay nag-iisang anak nina
Mang Pedro at Aling Theodora. Mahal na mahal nila si Tintin kuya binibigay nila lahat ng nais ng
karuilang anak Palaging abala sa pagtatrabaho ang mag-asawa kaya naiiwang mag-isa si Tintin sa
karulang bahay. Nakasanayan na ni Tintin ang makipaglaro sa kapitbahay, minsan kahit pinagbabawalan
na ni Aling Theodora ang anak ay pumupuslit pa rin ito at pumupunta sa mga kaibigan at
nakikipaglaro
Dumating ang hindi inaasahang banta ng pandemya na ikinatakot ng lalat. Dahil dito, lubos ang
pangamba ng mag-asawang Pedro at Thcodora sa kanilang kaligtasan lalo na t naririnig nila sa balita
na ing COVID-19 daw ay nakamamatay Sa sobrang takot at pangamba ay pinagbawalan ni Aling
Theodora ang anak na lumabas ng bahay. Ikinalungkot ito ni Tintin. Sinabihan din nila ang anak na kung
dudlungaw sa bintana ay magsuot ng face mask. Pinaalalahanan din nila ang anak na laging maghugas
ng kamay at gumamit ng alcohol Ngunit sadyang pilya si Tintin, tuwing hapon kapag tulog na ang
kaniyang mga magulang pumupuslit siya palabas ng kanilang bahay para lamang makipaglaro sa
kaniyang mga kaibigan
"Tintin, anak halika na lumabas ka na riyan sa iyong kuwarto at tayo ay kakain na, yaya
ni Aling Theodora sa anak. "Sandali lang po inay, magpapahinga lang po ako ang sakit po kasi ng
ulo ko at parang nanghihina po ako," sagot ni Tintin. Biglang kinabahan si Aling Theodora sa
narinig sa anak, kaya agad niya itong pinuntahan at tiningnan ang temperatura nito. Lubos ang
karuyang pangamba dalul sa may lagnat ang kaniyang anak. "Bumangon ka na riyan at maghihis
pupunta tayo sa doktor patitingnan kita," wika ng ina
Pagkatapos tingnan ng doktor si Tintin ay nirekomenda ng doktor na magpa-swab test si Tintin.
Agad naman itong ginawa ni Aling Theodora. Nag-home quarantine na muna si Tintin dahil may
mga sintomas siya ng sakit na COVID-19.
Pagkalipas ng ilang araw ay nanlumo ang mag-asawa nang makita ang resulta ng swab test
ng kanilang anak. Positibo ito sa sakit na COVID-19. Biglang may dumating na ambulansiya para kunin
si Tintin at dinala sa isang quarantine facility sa kanilang bayan. Malungkot, nangangamba at natatakot
man ang mag-asawa ay wala na silang magawa.
Nanatili si Tintin sa quarantine facility ng mahigit sa dalawang linggo. Nagpa-swab test
ulit si Tintin at naging negatibo na ang resulta kaya pinayagan na siyang umuwi sa kanilang bahay.
Dahil sa mga nangyari, naunawaan ni Tintin na walang mabuting dulot ang hindi pagsunod sa
magulang. Kaya naman, pagkatapos ng kaniyang karanasan, natutuhan na niyang makinig at sumunod
sa kaniyang magulang. Naging masunurin, mabuti at responsableng bata na si Tintin.
Sariling Akda: Dexter E. Ferasol
A. Sagutin ang sumusunod. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Ano ang paksa ng binasang kuwento?
2. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?
3. Ano-ano ang katangian ng pangunahing tauhan?
4. Ilarawan ang damdamin ng mag-asawang Pedro at Theodora sa pagdating ng banta ng COVID-19.
5. Ano ang ginawa ni Aling Theodora para proteksiyonan ang anak sa COVID-197
6.Bakit labis ang lungkol, takot, at pangamba ng mga magulang ni Tintin?
7. Paano nagkaroon ng COVID-19 si Tintin?
8. Ano ang natutuhan ni Tintin matapos siyang gumaling sa COVID-19?​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.