Si Fernando C. Amorsolo (30 Mayo 1892-24 Abril 1972) ang pinakaunang ginawaran ng karangalang Pambansang Alagad ng Sining sa Pintura noong 1972.
Si Fernando Amorsolo ang pinakamaningning na kinatawan ng panahon ng klasiko sa sining biswal sa Filipinas.
Kinikilala rin siyang “Ang Maestro” at “Grand Old Man” ng sining sa Filipinas noong nabubuhay pa.
Ang malikhaing paggamit ng liwanag, sa partikular, ng backlighting, ang pinakamalaking kontribusyon ni Amorsolo sa pagpipinta sa Filipinas. Ang tingkad ng maningning na liwanag na nagmumula sa likuran ng kaniyang mga paksa ay nagtatampok sa isang bahagi ng kaniyang kanbas, sa mga dahon ng mga puno, tikwas ng buhok, ngiti sa mga labi, at umbok ng dibdib ng dalagang Filipina.
Masaklaw ang larangan ng mga obra ni Amorsolo—mula sa mga portrait ng mga kilala at mayayamang tao, larawan ng mga tanawin, hanggang sa dibuho sa mga pabalat ng libro at magasin.
Ngunit naging tatak ng likhang Amorsolo ang pagtatanghal ng mga payak, payapa at pang-araw-araw na buhay ng mga naninirahan sa lalawigan.
Si Fernando Amorsolo ay isa sa mga pinakamahalagang artista ng sining sa Pilipinas. Si Amorsolo ay pintor ng mga larawan ng mga tao at tanawing pambaryo ng Pilipinas. Kilala siya sa kaniyang pagiging malikhain at pagkadalubhasa sa paggamit ng liwanag sa aspeto ng sining
Answers & Comments
Answer: