Naganap ang mapayapang rebolusyon sa EDSA noong Pebrero 22 hanggang 25, 1986 nang bawiin ng sambayanan ang demokrasya mula sa diktaturyang Marcos. Sa kahabaan ng Epifanio de los Santos Avenue (EDSA) ang pinangyarihan ng People Power Revolution. Napagtagumpayan ito nang nagbuklod ang iba’t-ibang grupo at sektor na tapusin ang mahigit isang dekadang pakikibaka laban sa diktaturya na lubusang nagpahina sa kalagayang politikal at pang – ekonomiya ng bansa.
Sa loob ng hukbong sandatahan, isang grupo ng mga sundalo na pinangunahan ng mga kasapi ng Reform the AFP Movement (RAM), isang samahan na malapit kay Juan Ponce Enrile, ang Kalihim ng Tanggulang Pambansa, ang nagtangkang maglunsad ng isang kudeta upang magtayo ng isang military junta o komite matapos na mapatalsik si Pangulong Marcos. Nang nabunyag ang planong ito kay Marcos, nagtungo si Enrile sa Camp Aguinaldo upang mag-organisa ang mga sundalong tapat sa kaniya noong Pebrero 22. Sa araw ding iyon, ipinaalam ni Enrile kay Heneral Fidel Ramos, ang Vice Chief of Staff ng AFP, ang kanyang planong pagtiwalag kay Marcos.
Noong gabi ng Pebrero 22, nagpatawag ng press conference sina Enrile at Ramos. Ipinahayag nila ang pagbitiw sa tungkulin at pagkalas sa Pamahalaang Marcos. Kinilala rin nila at nagbigay – suporta kay Cory bilang tunay na halal na pangulo. Nanawagan naman si Jaime Cardinal Sin, arsobispo ng Maynila sa pamamagitan ng Radyo Veritas, ang opisyal na radyo ng Simbahang Katoliko sa Metro Manila, na magtungo sa EDSA upang suportahan ang dalawang tumiwalag na lider. Mabilis na dumagsa ang mga tao sa EDSA. Ito ang simula ng People Power.
Namayani ang mensahe ng pagbubuklod at pakikipagkapwa sa pagitan ng libo – libong demonstrador at mga sundalo at pulis na ipinadala ni Marcos sa EDSA. Nang sumunod na araw, nanatili ang taumbayan sa EDSA. Nagkapit – bisig, nagdasal at nagpahayag ang mga mamamayang hindi dapat naglalaban-laban ang kapwa Pilipino. Ipinantapat ng taumbayan ang kanilang rosaryo, imahe, bulaklak at pagkain laban sa mga tangke at baril ng mga sundalo.
Pebrero 25, nilisan ni Marcos at ng kanyang pamilya at mga kasamahan ang Malacañang at nagtungo sa Clark Air Base sa Pampanga. Pagkatapos ay dinala naman sila sa Guam at muling lumipad patungong Honolulu, Hawaii.
Nagdiwang ang taumbayan sa balitang nilisan ni Marcos ang bansa at naluklok bilang ikalabing – isang Pangulo ng Pilipinas si Corazon C. Aquino. Naging makasaysayan ang EDSA People Power sa buong mundo. Ang marahas at madugong laban na naisagawa ng mga taumbayan ay nagresulta sa isang matamis na tagumpay upang makamit ang inaasam – asam na pagbabago sa pamahalaan. Naipakita ng mga Pilipino ang kahalagahan ng pagkakaisa upang tumugon sa pangangailangan at karapatan ng bawat mamamayan na magkaroon ng isang demokratikong pamahalaan.
Answers & Comments
Answer & Explanation:

Pa brainliest naman po
Pa- Heart
Pa- rate/Excelent
plss
(✿◕‿◕✿)<Ty po !