Ang Estados Unidos ng Amerika (EUA), tinatawag ding Estados Unidos o basta Amerika, isang pangunahing bansa sa Hilagang Amerika. Binubuo ito ng 50 mga estado, isang distrito pederal, limang pangunahing teritoryo, 326 na reserbasyong Indian, at ilang pagmamay-aring maliliit na isla. Sa lawak nitong 3.8 milyong milya kuwadrado (9.8 milyong kilometro kuwadrado), ito ang pangatlo o pang-apat na pinakamalaking bansa ayon sa lawak. Ang mga kahanggang lupain ng Estados Unidos ay ang Canada sa hilaga at Mexico sa timog. Kahangga naman nito sa karagatan ang Bahamas, Cuba, at Russia. Sa populasyon nitong mahigit 331 milyong katao, ito ang pangatlo sa may pinakamalaking populasyon sa mundo. Ang kabisera ay ang Washington, D.C., at ang pinakamataong lunsod ay ang New York City.
Ang mga Paleo-Indians ng Siberia ay nandayuhan sa Hilagang Amerika 12,000 taon na ang nakalilipas. Nagsimula ang pananakop ng mga Europeo noong ika-16 na siglo. Nabuo ang Estados Unidos mula sa 13 kolonyang Britano na itinatag sa Silangang Baybayin. Ang pakikipagtalo hinggil sa pagbubuwis at pamamahala ng Gran Britanya ay nagbunsod sa American Revolutionary War (1775-1783), na nagpangyaring makamit ng bansa ang kalayaan. Sa huling bahagi ng ika-18 siglo, lalo pang lumawak ang nasasakupan ng Estados Unidos habang unti-unting nag-aangkin ng mga teritoryo, kung minsan sa pamamagitan ng digmaan na nagtaboy sa maraming katutubong Amerikano, at naitatatag ang mga bagong estado. Pagsapit ng 1848, nasakop na ng Estados Unidos ang Hilagang Amerika hanggang sa kanluran. Naging legal ang pang-aalipin sa timugang Estados Unidos hanggang noong ika-19 na siglo, nang buwagin ito ng Digmaang Sibil ng Amerika. Noong Digmaang Espanyol-Amerikano at Unang Digmaang Pandaigdig, naging kapangyarihang pandaigdig ang Estados Unidos, na lalong napatunayan sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa panahon ng Cold War (tensyon sa pagitan ng Amerika at Soviet Union), nakipagdigma ang Estados Unidos sa Korean War at Vietnam War, pero hindi sila direktang nakipaglaban sa Soviet Union. Sumabak ang dalawang superpowers sa kompetisyon ng Space Race, na winakasan ng Apollo 11 (unang paglapag ng tao sa buwan noong 1969). Nagwakas ang Cold War nang mabuwag ang Soviet Union noong 1991, at ang Estados Unidos ang nanatiling pinakamakapangyarihang bansa sa mundo.
Ang Estados Unidos ay isang pederal na republika at isang kinatawang demokrasya na may tatlong magkakahiwalay na sangay ng gobyerno, kabilang na ang isang lehislaturang bicameral. Mula sa pagkakatatag, miyembro na ito ng United Nations, World Bank, International Monetary Fund, Organization of American States, NATO, at iba pang pandaigdigang organisasyon. Isa itong permanenteng kasapi ng United Nations Security Council. Tinaguriang melting pot of cultures, ang populasyon nito ay resulta ng mga siglo ng pandarayuhan ng mga iba’t ibang lahi. Mataas ang ranggo ng Estados Unidos pagdating sa malayang ekonomiya, antas ng pamumuhay, edukasyon, at karapatang pantao; mababa rin ito sa antas ng lantarang korapsyon. Gayunpaman, nababatikos ang bansa dahil sa pagtatangi may kinalaman sa lahi, materyal na pagmamay-ari, at pagpapasahod; maling pagpapatupad sa parusang kamatayan; di-makatuwirang pagbibilanggo; at mahinang pangangalaga sa kalusugan ng pangkalahatang populasyon.
Ang Estados Unidos ay isang maunlad na bansa. Taglay nito ang sangkapat ng kabuuang GDP ng mundo kaya ito pa rin ang may pinakamalaking ekonomiya sa lahat. Batay sa dami, Estados Unidos ang pinakamalaking tagapag-angkat (importer) at pangalawang pinakamalaking tagapagluwas (exporter) ng mga produkto sa buong mundo. Bagaman ang populasyon nito ay katumbas lang ng 4.2% ng pangglobong bilang, hawak naman nito ang halos 30% ng kabuuang yaman ng mundo, ang pinakamalaki sa lahat ng mga bansa. Gumasgastos ang bansa ng katumbas ng sangkatlo ng gastusing pangmilitar ng daigdig, kaya ito ang nangungunang kapangyarihang militar sa buong mundo. Maimpluwensiya rin ito pagdating sa politika, kultura, at siyensiya
Explanation:
SORRY sa mahabang sagot,pero tama yan,thanks me latet
Answers & Comments
Answer: