Questions


October 2022 2 0 Report
Ilang-ilang
Ako’y isang maliit na bulaklak
Lunti ang talulot, may sayong masarap;,
Tumutubo ako sa punong mataas,
Bawat makakita’y ibig pumitas.
Habang dumaraan ang maraming araw,
Sa ihip ng hangin ako’y sumasayaw;
Sa huni ng ibon ako’y samasabay,
Luntiang talulot nama’y dumidilaw.
Kapag talulot ko’y madilaw-dilaw na,
Matingkad ang bango. mahinhin ang ganda;
Panlagay sa buhok at saka kwintas pa,
Paboritong tunay ng mga dalaga.


________1. Tungkol sa ano ang tula? a. halaman b, bulaklak c. dahon
________2. Ano ang kulay ng mga talulot nito? a. pula b. puti c. luntian
________3. Saan ito tumutubo? a, sa isang baging c. sa isang puning mataas
b. sa isang halamang gumagapang
________4. Kailan ito sumasayaw?
a. kapag inuga ang puno c. kapag nasa entablado
b. kapag umiihip ang hangin
________5. Alin ang tumutukoy sa kabanguhan niya?
a. masangsang b. mahinhin c. matingkad
________6. Nagiging anong kulay ang mga talulot nito sa pagdaraan ng panahon.
a. luntian b. puti c. dilaw
________7. Ano ang mahinhin dito? a. kulay b. anyo c. ganda
________8. Saan maaari itong ilagay? a. buhok b. bulsa c. bag
________9. Ano ang maaaring gawin dito? a. pulseras b. hikaw c. kwintas
_______10. Sino ang may paborito nito? a. matanda b. bata c. dalaga

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.