Kabanata 26: Pagtataksil ni Adolfo (Saknong 324 –343)
Sinabi ni Laura kay Florante na binihag ng mga moro sina Haring Linceo at
Duke Briseo. Nag-utos si Florante na lusubin ng hukbo ang Albanya at bawiin ito sa mga kamay ng mga taga-Persiya.
Nang makapasok sa kaharian ng Albanya ay agad dumiretso sa kulungan at pinalaya si Haring Linceo at Duke Briseo.
Pinalaya na rin niya pati si Adolfo mula sa pagkakakulong dahil sa bukal na
kagandahan ng loob. Muling nagdiwang ang lahat ng tao dahil lubos sa pagpapasalamat nila kay Florante, maliban kay Adolfo. Nais pakasalan ni Adolfo si Laura dahil sa intensyon nitong makuha ang posisyon ng pagiging hari sa Albanya. Naramdaman din niyang mahal ni Laura si Florante kaya mas lalo itong
nainggit. Nagdaan ang panahon at nakaranas pa din ng pagsalakay ang
Albanya katulad ng hukbo mula sa Turkiya at marami pang digmaan.
Ngunit dahil si Florante ang inaatasang maging heneral ay napapagtagumpayan nito ang lahat ng laban. Pagkatapos ng isa pang laban sa Etolia, nakatanggap siya ng liham mula kay Haring Linceo na nagsasabing bumalik na siya sa Albanya.
Ipinasa ni Florante kay Menandro ang pamamahala sa hukbo sa Etolia. Laking
gulat ni Florante ng makita niyang pinaliligiran siya ng 30,000 mga sundalo sa kanyang pag-uwi at agad itong nilagyan ng gapos at ikinulong. Labis ang pagkagulat at pagkalungkot ng malaman niyang pinatay nito sila Haring Linceo at Duke Briseo. Nasilaw si Adolfo sa kasikatan at kinain ng galit at inggit kay Florante, kaya puro paghihiganti ang nasa isip nito at pagpatay kay Florante.
Answers & Comments

Talasalitaan:
Binihag – ikinulong, ibinilanggo
Lusubin – sugurin
Bukal – natural
Pagsalakay – pagsugod, paglusob
Hukbo – grupo ng mga mandirigma
Heneral – namumuno sa kaniyang grupo
Etolia – magubat na rehiyon sa Greece
Liham – sulat
Gapos – tali