Questions


December 2022 1 7 Report
IKAW AT AKO: TAGAPANGALAGA NG KALIKASAN Ang kalikasan ay maituturing na pinakamahalaga at pinakamagandang biyaya na ipinagkaloob ng Panginoong Diyos sa atin. Ito ay binubuo ng mga lupain tulad ng kabundukan, kagubatan at mga magagandang tanawin. Gayundin naman, ang bahaging tulad ng ilog, sapa, at karagatan ay biyaya na bigay ng Diyos. Ang lahat ng mga ito ay pinagkukunan ng ating mga pagkain, inumin, at maging ang mga kagamitang para sa pang-araw-araw nating pamumuhay. Halos lahat ng ating pangunahing pangangailangan ay galing sa ating kalikasan. Ang sariwang hangin na ating nalalanghap ay lubos na nakatutulong sa atin upang tayo ay mabuhay nang maayos, mapayapa at matiwasay. Kung ating mapapansin, sa gitna ng mga biyayang ating tinatamasa mula sa ating kalikasan, minsan ay unti-unti nating nalilimutan ang ating mahahalagang tungkulin. Masakit isipin na ang kalikasan na ating pinahahalagahan ay unti-unti nang nasisira dahil sa mga taong iniisip lamang ang kanilang sariling kapakanan. Dahil dito, libo-libong mamamayang Pilipino ang binabawian ng buhay sa pagkagutom at pagkasalanta dahil sa mga delubyong naranasan. Ang problemang ito ay hindi lamang nakasasama sa atin, bagkus ito rin ang nakaaapekto sa mga nilalang na may buhay. Ang sanhi ng pagkasira sa ating kalikasan ay halos laganap na sa buong mundo. Kailan pa tayo kikilos? Kung huli na ang lahat? Paano na ang susunod na henerasyon? Sa panahon natin ngayon, mahirap na sagutin ang mga tanong na iyan dahil alam na alam natin na ang ating kalikasan ay sirangsira na dahil sa mga maling gawain ng mga tao. Nararapat lang na tayo'y kumilos habang may natitira pang yaman mula sa ating kalikasan. Isipin natin ang darating pang henerasyon. Kaya panahon na para tayo ay magbago, huwag nating hayaan at hintayin na masira ang mga likas na yaman hanggang sa ito'y mawawala. May panahon pa tayo. Huwag natin itong sayangin. Sabay-sabay natin itong ayusin at simulan sa ating mga sarili. Isagawa natin ang ating mga tungkulin bilang tagapag-alaga ng Inang Kalikasan. SURIIN Sagutin ang sumusunod na mga tanong 1. Ano-ano ang likas na yamang nabanggit sa sanaysay? Tagapanglaga ng kalikasan. 2. Sino ang dapat na maging tagapangalaga ng ating kalikasan o likas na yaman? 3. Kung ikaw ang kagubatan, kabundukan, ilog at karagatan, ano ang iyong magiging kahilingan sa sangkatauhan? Sana po mapansin.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.