Questions


October 2022 1 2 Report
III. Panuto: Basahin ang mga talata tungkol sa isang pangyayari. Sagutin ang mga
tanong
Usong-uso sa lugar nina Jose ang tayaan ng iba't-ibang laro. Talagang ayaw
niyang tumaya. Hindi niya gusto ang anumang bisyo. Bukod sa masamang ugali para sa
kanya ang pagsusugal, lagi niya pang naaalala ang pangaral ng kanyang mga magulang
Ngunit ng sunod-sunod na ang nanalo sa kanyang mga kaibigan, parang natutukso na ring
siyang tumaya.
Kahit niyayaya siya ng kanyang mga kaibigan ay hindi siya nagpatinag. Iniwasan
niya na lang ang kanyang mga kaibigan kapag sila ay tumataya. Binaling ni Jose ang
kanyang atensyon sa ibang makabuluhang bagay at sa pag-aaral sapagkat alam niyang
ang pera ay kailangang pagsumikapan para makuha.
16. Ano ang naging libangan ng mga tao sa pangyayaring iyong binasa?
A. paglalaro ng basketball
B. tayaan ng iba't ibang laro
C. pagsisimba
17. Anong ugali meron ang kanyang mga kaibigan?
A. mahilig sa paglalaro ng online games
B. mahilig sa pagsusugal
C. mahilig mag-aral
18. Ano ang pagsusugal para kay Jose?
A. Ito ay isang masarap na bisyo.
B. Ito ay isang napakainam na bisyo.
C. Ito ay isang masamang bisyo.
19.Si Jose ay isang batang.
A. sumusunod sa pangaral ng magulang
B. suwail at pasaway
C.tamad mag aral.
20. Kung kayo si jose, gagawain mo rin ba ang kanyang ginagawa?Bakit?
A.Oo,sapagkat iyon ang tama
B.Hindi, dahil gusto kong magkapera agad
C.Oo, kapag binibigyan ako ng balato​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.