Kung mayroon mang relasyon sa mundo na panghabangbuhay, ito ay ang relasyon natin sa ating mga ina.
Kahit ano pa man ang kinahinatnan ng ating buhay, nakasama man natin sila nang matagal o napunta tayo sa ibang pamilya, hindi maiaalis na ang ating buhay ay pinagbigkis ng tadhana simula pa lamang ng unang araw natin sa daigdig. Walang kapares ang sayang dulot ng pagiging ina. Para sa maraming kababaihan, ito ay katuparan ng kanilang mga pangarap at ang pagkakaroon ng kabuluhan ng kanilang pananatili sa daigdig. Ang pagbibigay ng buhay sa isa o ilan pang mga supling ay ang misyong ibinigay sa kanilang ng Diyos upang mapanatili ang masaya at mahabang lahi ng isang pamilya.
Matigas man ang ulo natin at pasaway hindi nito mababago ang pagmamahal ng Isang ina sa kanyang anak. Bakit?dahil ang Ina ang nagluwal at nagbigay ng buhay sa bawat Isa sa atin. Siya ang ilaw ng ating tahanan, siya ang patuloy na gumagabay sa atin at handa niya tayong suportahan sa mga bagay na gusto o ninanais natin. Nakagawa man tayo ng mga kamalian, nandyan sya upang itama ang mga ito at turuan tayo ng wasto. Naligaw man tayo ng landas, ibabalik niya tayo sa nararapat na kalagyan natin o di kaya ay gagabayan niya tayo upang hindi maging pariwara ang ating mga buhay. Siya ang ating karamay, unang sumusuporta, kaibigan, bayani at nagmamahal sa atin. Handa siyang magsakripisyo para lamang sa atin.
Answers & Comments
Answer:

Explanation:
hope this helps.
PAGMAMAHAL NG ISANG INA

Sana nakatulong.