II. Panuto: Sagutin ang mga tanong ayon sa binasang balita.
'Bating Filipino' isinusulong bilang paraan ng pagbati sa gitna ng pandemya
Posted at Jun 24, 2020 02:22 PM
Nakita sa maraming bansa ang pagpapalit ng mga nakaugalian dahil sa
pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19) sa buong mundo.
Sa Pilipinas, para matiyak na masusunod ang social distancing, nais ni Marikina Rep.
Bayani Fernando na palitan na rin ang nakaugaliang paraan ng pagbati ng mga
Pilipino sa isa't isa ngayong panahon ng pandemya.
"Hindi malaman kung papaano ka babati eh ultimo 'yong mga high-five hindi na
pupwede 'yon eh dahil contact pa rin," ani Fernando. "Kailangan mayroon tayong
gesture," dagdag niya.
Sa "Bating Filipino," ilalagay ang kanang kamay sa dibdib at dahan-dahang tutungo,
ipipikit ang mga mata, at dahan-dahang itataas ang ulo nang nakangiti.
Base pa rin umano ito sa mga kaugaliang Pilipino.
"Yong pagyuko naman 'yan ang tanda ng paggalang ng mga Pilipino noong araw,"
ani Fernando.
Ulat ni Zandro Ochona, ABS-CBN News
Mga Tanong:
1. Paano ipakikita ang bagong bating Filipino?
2. Sinong mambabatas ang nagsulong ng paraang ito sa panahon ngayon ng pandemya?
3. Ano ang dahilan bakit isinusulong na maibatas ang ganitong paraan ng pagbati
Answers & Comments
Answer:
paano ipakikita Ang bagong bating Filipino?
Answer: ilalagay Ang kanang kamay sa dibdib at dahan-dahang tutongo, ipipikit Ang mga mata, at dahan-dahang itataas Ang ulo nang nakangiti
2. sinong mambabatas Ang nagsulong Ng paraang ito sa panahon ngayon Ng pandemya?
answer: marikina Rep. bayani Fernando.
3. ano Ang dahilan bakit isinusulong na maisanatas Ang ganitong paraan Ng pagbati?
answer: upang matiyak na masusunod Ang social distancing dahil sa COVID-19 desease.
Explanation:
I hope it's help