II. Panuto: Isulat ang iyong opinyon o reaksyon tungkol sa mga sumusunod na balita, isyu o usapan. (2 puntos kada isa ) 1. Walang kapaguran ang aking tatay sa paghahanap ng trabaho upang maitaguyod ang aming pamilya sa kabila ng kahirapan na aming nararanasan sa buhay.
__________________________
__________________________
__________________________
2. Kahit na nalugi ang negosyo ng pamilya ni Allan ay pinipilit pa rin nilang magsikap upang makabangon sa kahirapang kanilang kinasadlakan. Ginagawa nila ang iba't ibang paraan upang muling makabangon.
__________________________
__________________________
__________________________
3. Ayaw pumasok bilang domestic helper ni Nita dahil ayaw niyang mapalayo sa kaniyang pamilya. Batid niya na kailangan ng kaniyang mga anak ang pagkalinga ng isang ina.
__________________________
__________________________
__________________________
4. Nag-aaral mabuti ang magkakapatid na Nelson upang mapasaya ang kanilang mga magulang. Nagsusumikap silang makakuha ng mataas na marka sa kanilang klase.
__________________________
__________________________
__________________________
5. Ang mga Overseas Filipino Worker o OFW ay kinikilala bilang mga bagong bayani ng ating henerasyon dahil sa sakripisyong kanilang ginagawa sa labas ng bansa para sa kanilang pamilya.
Pa answer please at paayos po ang paliwanag need kopo yan
Answers & Comments
Answer:
1.Sa paghihirap na ginagawa ng aking tatay ang ranging maisusukli ko lamang sa kanya ay ang pag aaral ng mabuti,nang sa gayon matumbasan ko ang pag hihirap na isinasakripisyo nya para samin.
2.Sa ginawa nila Allan pinatunayan nila na walang maraming paraan at hindi kinakailangan na sumuko agad,dahil ito'y pagsubok lamang at kailangan nating maging matatag upang ito ay malagpasan.
3.Talagang napakabuting ina ni Nita dahil iniisip nya ang kanyang mga anak at pamilya,dahil kung ibang nanay o ina yan ay walang pag dadalwang isip nilang iiwan ang mga anak at pamilya nya.
4.Sa ginawa nang magkapatid na Nelson ay talaga namang matutuwa ang kanilang magulang dahil katulad ng sinabi ko sa numero uno pag aaral ng mabuti lang ang maitutumbas natin sa pag hihirap ng ating magulang.
5.Kaya sila kinilala bilang bayani ay dahil sa kabila ng paghihirap kahit mapalayo sa pamilya ay gagawin nila upang makapag hanap buhay lamang,talagang totoo ang kasabihan na lahat kayang tiisin ng ina/ama para sa anak.
Explanation:
hope it helps,have a good day