Ang kombinasyon ng dalawang clef sa musika sa isang awitin ay tinatawag na Grand Staff. Ang dalawang clef ay ang G-clef at ang F clef. Bawat linya at espasyo ay may kanya-kanyang tunog.
Explanation:
Ito ang paraan kung paano mo ito iguguhit.
1. Gumawa ka ng 2 staff. Ang Staff ay may limang linya at apat na espasyo.
2. Sa staff na nasa itaas doon mo iguhit ang G clef at sa staff na nasa ibaba ay doon mo iguhit ang F clef.
3. Sa gitna ng staff ay gumuhit ka ng ledger line at lagyan mo ito ng nota na ipinapagamit. Kadalasan ay whole note. Ito ang magsisilbi mong middle C.
Sa baba ng unang linya ng G clef ito ang D o re. Ang 5 linya ng Gclef ay may kaukulang pangalan na E-G-B-D-F o mi-so-ti-re-fa at ang 4 na espasyo ay F-A-C-E o fa-la-do-mi
Samantalang ang 5 linya ng F clef ay - G-B-D-F-A o so-ti-re-fa-la at ang 4 na espasyo ay A-C-E-G o la-do-mi-so (ang pagpapangalan ay laging magsisimula sa unang linya sa ibaba ng F-clef)
Answers & Comments
Answer:

#BRAINLYEVERYDAY