1. Si Camilo Osias ay nakilala sa maraming larangan. Siya ay naging guro, mambabatas, manunulat at makabayang lider na tumulong na maibigay sa mga mamamayang Pilipino ang kalayaan ng bansa.
2. Si Jose Rizal ay isa mga tao na lumaban para sa kalayaan ng mga Pilipino. Ang paglaban niya ay hindi sa paggamit ng espada o pagkuha ng buhay ng isang tao, ginamit niya ang kaniyang panulat para mabuksan ang mga mata ng mga Pilipino.
3. Nang dumating ang mga Amerikano sa Leyte sa pamumuno ni Heneral Douglas McArthur, itinaya ni Valeriano Ibanez Abello ang kaniyang buhay upang maituro sa mga Amerikano sa pamamagitan ng semaphore flag signaling kung nasaan ang mga Hapon. Dahil dito, nailigtas ni Abello ang libo libong buhay ng kanyang mga kababayan.
Mga tanong: isulat ang iyong sagot sa journal notes
1. Sino sa kanilang tatlo ang nais mong gawing huwaran sa pagmamalasakit sa kapwa? Bakit? (Pumili lamang ng isa)
________________________________________________________________
2. Sa iyong pinili ( batay sa iyong sagot sa unang tanong) ano-anong kilos ng pagmamalasakit ang nakaantig sa iyong puso? Bakit?
________________________________________________________________
3. Paano mo siya (batay sa iyong sagot sa unang tanong ) tutularan sa pagmamalasakit sa kapwa?
________________________________________________________________
Brainlest + follow : if the answer is correct/kung tama ang sagot
Report : kung mali at di nakakatulong ang sagot/ if the answer is wrong and not helpful
Basahin niyo muna at unawaain po para masagot niyo po. Patulong talaga ty.
Answers & Comments
Answer:
1. Jose Rizal. Sapagkat lumaban siya sa tahimik at matiwasay na pamamaraan, at ibinuwis niya ang kaniyang buhay para sa kaniyang kababayan.
2. Nakipaglaban siya nang hindi sa pamamagitan ng dahas, walang sakitan at digmaan na nangyari. Lumaban siya sa pamamagitan ng paglalabas ng mga saloobin at mga opinyong nabuo sa isipan niya patungkol sa mga banyaga. Pinamulat niya sa mga kapwa niya Pilipino ang mga pang-aabusong nararanasan nila sa kamay ng mga ito.
3. Kagaya niya, tutularan ko ang pamamaraan niya sa pagmamaasakit sa bayan. Magsusulat rin ako ng mga saloobin at opinyon ko patungkol sa mga nakikita at nararanasan ko at ng mga kapwa ko Pilipino sa aming bansa.