Questions


September 2022 1 1 Report
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang talata at sagutin ang gawain sa susunod na pahina.
Susi sa Pagkakaisa at Kaunlaran

Ang wika ay isang mahalagang aspeto ng bawat kultura. Ito ang basehan na ginagamit ng lahat ng antas ng tao sa lipunang
kinagagalawan. Sa Pilipinas ang ginagamit na wika ay Filipino. Ito ang bumubuklod sa mamamayang Pilipino sa Luzon, Visayas at
Mindanao. Madaming pangyayari ang nagbigay daan para mabuhay ang wikang Filipino. Ang pagkakaroon ng sariling wika ng mga
Pilipino ay nagdulot ng epekto sa atlong henerasyon ng ating buhay: noon, ngayon at bukas. Sa pagsisimula ng paggamit ng mga
Pilipino ng wikang Tagalog sa unang panahon, binuhay nito ang sibilisayon. Nagkaisa ang mga Pilipino sa mas ikabubuti ng ating
bansa. Nagkaintindihan ang bawat pangkat dahil sa pagkakaron ng isang wika na naiintindihan ng lahat. Mas mabilis ang naging
daan para sa transportasyon at nagbigay daan ito para mas dumami ang ideya at opinyon ng bawat mamamayan sa iba’t-ibang
parte ng Pilipinas. Pinagkaisa nito ang mga nakasanayang tradisyon ng bawat pangkat. Nagbigay daan ito sa mas positibong
pagbabago at naibahagi ang iba’t ibang kultura at paniniwala. At higit sa lahat, napanatili nito ang pagkakaisa ng bawat Pilipino
kahit na may iba'tibang paniniwala. Sa kasalukuyang henerasyon, mas laganap ang paggamit ng wikang Filipino. Madami ang
naging mga programa para mas maipalaganap ang wikang Filipino, ito ang ginamit na wika sa paaralan at sa mga ahensya ng
gobyerno. Nakatulong ito upang paigtingin ng mga kabataan ang pagsasalita at paggamit ng wikang Filipino. Ito rin ang naging
daan upang mas lalong maintindihan ng mga Pilipino ang kahalagahan ng pagkakaroon ng iisang wika. Natuto rin ang mga Pilipino
na mahalin ang sariling bansa kasama na roon ang wika. Pagkakaroon ng sariling wika ay isang karangalan sa isang bansa. Ito ay
isang sukatan ng yaman ng lahi sa kultura, tradisyon, at paniniwala. Mahalaga na ito'y ating pagyamanin para sa mga susunod na
henerasyon. Isang wika, Filipino, isang bansa, Pilipinas; ipagmalaki, magkaisa!
Paikliin/ibuod ang teksto nang hindi nawawala ang diwa nito. Gamitin ang mga natutuhan mo tungkol sa pangunahin at pantulong
na kaisipan. Likumin lamang ang pinakamahahalagang impormasyon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Susi sa Pagkakaisa at Kaunlaran

___________________________________________________________________________________________________________
____________

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.