Ayon sa Mitolohiyang Griyego, si Zeus ay naging hari ng mga diyos sa pamamagitan ng pagpapabagsak sa kanyang amang si Cronus na nagpatalsik naman sa kanyang amang si Uranus. Si Zeus ay hindi naging matapat sa kanyang asawa at kapatid na si Hera at nagkaroon ng maraming mga relasyon na nagpanganak sa maraming mga anak.
Nalaman ni Zeus kay Themis o Prometheus, pagkatapos siyang palayain ni Heracles mula sa Caucasus, na tulad ng kanyang amang si Cronus, ang isa sa kanyang mga anak ay magpapabagsak sa kanya. Ang isa pang hula ay nagsasaad na ang isang anak na lalake ng nimpang dagat na si Thetis na kinahumalingan ni Zeus ay magiging mas dakila sa kanyang ama.
Ang mga simulain ng digmaan (ayon sa Iliad) ay ang kasal ni Haring Peleus at ng nereid (nimpa ng dagat) na si Thetis. Subalit hindi nila inimbitahan si Eris, ang diyos ng sigalutan. Nagalit si Eris at naghagis siya ng isang gintong mansanas sa piling ng mga panauhin kung saan nakasulat ang "Para sa Pinakamaganda". Nasalo ng mga diyosang sina Hera, Athena, at Aphrodite nang magkakasabay at nag-away hinggil sa king sino ang pinakamaganda sa kanilang tatlo. Nagpahayag ng digmaan si Menelaus, ang asawa ni Helen, laban sa Troya upang makuhang muli ang kaniyang reynang si Helen. Dito nagsimula ang Digmaang Troya. Si Achilles ang isa sa pinakamagiting na mga bayani ng digmaang ito, na ang isa pa ay si Hector.
Answers & Comments

★___★___★